Home NATIONWIDE Armas, kagamitan ng NPA nasamsam sa Cagayan

Armas, kagamitan ng NPA nasamsam sa Cagayan

233
0

MANILA, Philippines – Nasamsam ang samu’t saring uri ng mga armas at kagamitan ng New People’s Army o NPA ng pinagsanib na pwersa ng mga otoridad sa Sitio Pallay, Brgy. Baliuag, Peñablanca, Cagayan.

Ayon kay PCol. Victor Pagulayan, Force Commander ng Regional Mobile Force Battalion 2 ang mga nasamsam na armas at gamit pandigma ng terroristang grupo ay ang mga naitagong gamit na ginamit sa nangyaring bakbakan noong Setyembre 10, 2024 sa bayan ng Peñablanca, Cagayan.

Sa isinagawang imbentaryo ng kapulisan, kabilang sa mga narekober ay ang 82 rounds ng 7.62 mm ammunition, 33 pcs. ng 5.56 mm ammunition, tatlong basyo ng bala ng 5.56 mm, limang depektibong magazines ng M16, at isang depektibong magazine ng AK 47, 1 pirasong Hand grenade, 6 na pirasong Riffle grenade, 2 piraso ng bandolier, 1 pirasong black garrison belt, 2 piraso ng upper receiver para sa M14 rifle, 2 pirasong lower receiver ng M14 rifle, 1 piraso na Caliber 38, Mga Subersibong dokumento, 5 pirasong 40mm HE na ginagamit sa M203 Grenade Launcher, 1 pares ng itim na black boots at 1 piraso ng biscuit container.

Ang mga kagamitang pandigma ng mga makakaliwang grupo ay bunga ng rebelasyon ng dating rebeldeng si Alyas Tomas na ngayon ay nagbalik loob na sa pamahalaan. REY VELASCO

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here