Home NATIONWIDE Army, PNP pinagkokomento ng SC sa petisyon ng mg aktibista

Army, PNP pinagkokomento ng SC sa petisyon ng mg aktibista

268
0
(c) Remate File Photo

MANILA, Philippines – Pinagkokomento ng Korte Suprema ang militar at pulisya hinggil sa kahilingan ng mga environmental activist na sina Jhed Tamano at Jonila Castro na muling pag-aralan ang pagtanggi sa kanilang petisyon para sa pribilehiyo ng writ of amparo at habeas data.

Sa isang 15-pahinang resolusyon, inutusan ng SC En Banc ang Philippine Army, Philippine National Police, National Security Council, at National Task Force to End Local Communist Armed Conflict na magbigay ng komento sa petisyon sa loob ng di lalagpas sa 15 araw.

Maaalala na dati nang ipinagkaloob ng SC kina Tamano at Castro ang writs of amparo at habeas data sa gitna ng mga alegasyon na sila ay dinukot.

Inutusan din ng SC ang CA na magsagawa ng buod ng mga pagdinig upang matukoy ang buong merito ng kanilang petisyon.

Gayunpaman, ibinasura ng Court of Appeals (CA) ang kanilang petisyon noong Agosto 2024, na nagpasyang hindi sila nagpakita ng sapat na ebidensya upang suportahan ang kanilang mga alegasyon.

Noong Oktubre ng parehong taon, ibinasura ng appellate court ang kanilang motion for reconsideration.

Dahil dito, nagsampa ang mga aktibista ng kasalukuyang petisyon sa Mataas na Hukuman.

Bukod dito, ibinasura ng SC ang mosyon na isinampa ng mga respondent laban sa unang pagbigay ng SC sa writs, na binanggit ang paglabag sa due process.

Gayunpaman, sinabi ng SC na ang paghahanap ng substansyal na ebidensya sa paunang yugto ay hindi lumabag sa karapatan ng mga respondent sa due process. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here