PALAWAN, Philippines – Patay ang asawa ng dating alkalde ng Rizal, Palawan habang sugatan naman si dating Mayor Nicolas Montaño matapos masangkot sa vehicular accident sa zigzag road ng South National Highway sa Barangay Luzviminda bandang alas-11 ng umaga nitong Huwebes.
Base sa salaysay ng isang barangay councilor, nasangkot sa aksidente ang Nissan pickup ni Montaño habang binabagtas ang kilometer 35 ng highway.
Sinabi ni Gemang na ayon sa mga saksi, pumutok umano ang gulong ng pickup habang umo-overtake ito sa dalawang sasakyan dahilan upang mawalan ng kontrol at mabangga ang iba pang sasakyan.
Tumama rin ang pickup sa isang makeshift store sa gilid ng kalsada bago bumangga sa puno ng acacia at mahulog sa bangin.
Sugatan si Montaño at isa pang pasahero, kasama ang tatlong tao na nasa makeshift store. Dinala sila sa kalapit na satellite clinic para malapatan ng lunas. RNT/MND