Home ENTERTAINMENT Asawa ni Meryl, ‘sir’ ang tawag kay Willie Revillame!

Asawa ni Meryl, ‘sir’ ang tawag kay Willie Revillame!

Manila, Philippines- Campaign season na para sa mga tumatakbo sa mga pambansang puwesto.

Ito’y ang senador at representative sa kongreso.

Para sa mga supporter ni Willie Revillame, tiyak na ikatutuwa ng mga ito na maganda ang puwesto ng TV host sa ranking sa mga surveys.

Pasok kasi siya sa Top 12.

Dagdagan pa niya ng ibayong sipag, tiyak na aangat pa siya.

As for his family, suportado naman siya ng anak na si Meryl Soriano.

Maging ang partner nitong si Joem Bascon ay nasa likod din ng senatorial bid ni Willie.

In fairness, hindi naman daw inoobliga ni Willie sina Meryl at Joem.

Nakakatawa lang malaman na kahit may apo na si Willie sa kanila, “Sir Wil” pa rin ang tawag ni Joem sa TV host.

Katwiran ni Joem: “Nahihiya kasi akong tawagin siyang ‘Papa,’ eh.”

Eh, bakit hindi niya subukan nang malaman niya ang reaksyon nito? Ronnie Carrasco III