Home NATIONWIDE Kalat-kalat na pag-ulan, thunderstorm asahan sa ilang bahagi ng bansa ngayong araw

Kalat-kalat na pag-ulan, thunderstorm asahan sa ilang bahagi ng bansa ngayong araw

MANILA, Philippines – Makararanas ng kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm ang Bicol Region, Eastern Visayas, Caraga, Quezon, Laguna, Rizal, at Davao Oriental ngayong araw dahil sa easterlies, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Posible ang pagbaha at landslide sa mga lugar na ito sa oras ng katamtaman hanggang malalakas na pag-ulan.

Samantala, ang nalalabing bahagi ng bansa ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated rain showers o thunderstorms dahil pa rin sa easterlies. RNT/JGC