Home HOME BANNER STORY Mapanganib na lebel ng heat index, asahan sa Dagupan City ngayong arawHOME BANNER STORYNATIONWIDETOP STORIES Mapanganib na lebel ng heat index, asahan sa Dagupan City ngayong arawMarch 4, 2025 07:13 FacebookTwitterPinterestWhatsAppTikTok MANILA, Philippines – Asahan ang mapanganib na lebel ng heat index sa Dagupan City, Pangasinan ngayong araw, Marso 4.Ito ay batay sa two-day heat index forecast ng PAGASA kung saan posible ang hanggang 42 degrees Celsius na temperatura sa Dagupan City.Maituturing ang heat index na nasa ‘danger’ category kapag ito ay nasa pagitan ng 42ºC hanggang 51ºC.Sa temperatura na ito, posible na ang heat cramps at heat exhaustion, at ang patuloy na exposure sa init ng panahon ay magdudulot ng heat stroke.Dahil dito ay inabisuhan ng PAGASA ang publiko na uminom ng maraming tubig at limitahan ang oras sa labas ng bahay. RNT/JGC