Ito ang diretsahang mensahe ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) leaders sa mga partido na may kinalaman sa umigting na labanan sa Gitnang Silangan.
Sa pagsasalita sa press conference sa sidelines ng 48th ASEAN Summit sa Cebu, sinabi ni Pangulong Marcos na nagkaisa ang mga ASEAN leaders sa panawagan para sa agarang tapusin na ang giyera na sangkot ang Estados Unidos, Israel, and Iran.
“Peace. Peace. That is — it’s that simple. Peace,” ayon sa Pangulo, nang taungin kung ano ang panawagan ng ASEAN sa mga partido na sangkot sa labanan.
“That is why the call essentially is peace—now,” dagdag na pahayag nito.
Tinuran ng Pangulo na ang ASEAN foreign ministers ay nagpalabas na ng isang kalatas bago pa ang summit, hinikayat ang lahat ng partido na tigilan na ang labanan at i-de-escalate ang tensyon.
“We have the Foreign Ministers, when they met previous to this Summit, already put out that document calling for all parties to cease hostilities and to take a step back, open the Strait of Hormuz, and find a way for a lasting peace,” aniya pa rin.
Binigyang diin ng Pangulo na ang makahulugang solusyon ay mananatiling imposible maliban na lamang kapag natigil ang karahasan.
“That’s the first step, because we will achieve absolutely nothing until there is peace,” ayon sa Pangulo.
“We now are in this limbo situation where we don’t know how long it’s going to last,” aniya pa rin.
“We don’t know when the next encounter is going to be. Is the ceasefire on? Is it not on? Is Israel included? Is Hezbollah included?” dagdag na pahayag ng Pangulo.
Inilarawan ng Pangulo ang situwasyon bilang “very difficult,” sabay sabing ang patuloy na pagbobomba at military exchanges ang dahilan para mahirap na makamit ang long-term solutions.
“So again, until the fighting ends, until the bombings end, then it’s very difficult to put together any kind of solution,” ani Pangulong Marcos.
Nauna rito, araw ng Biyernes, in-adopt ng ASEAN leaders ang formal statement ukol sa tugon ng bloc sa krisis sa Gitnang Silangan, nagpahayag ng “serious concern” hinggil sa mabilis na page-ebolosyun ng labanan at epekto sa regional at global stability.
Winelcome naman ng mga lider ang tigil-putukan sa pagitan ng Estados Unidos at Iran na pinamagitnaan ng Pakistan at nanawagan sa lahat ng partido na panatilihin ang pagpigil at ipagpatuloy ang negosasyon na may mabuting layunin.
“We underscored the importance of maintaining regional peace, stability, and prosperity, upholding international law, and promoting genuine dialogue and diplomacy,” ang nakasaad sa kalatas. (KRIS JOSE)