Home METRO ASF naitala sa ilang lugar sa Laguna

ASF naitala sa ilang lugar sa Laguna

MANILA, Philippines- Kinumpirma ng provincial government ng Laguna ang mga kaso ng African Swine Fever (ASF) sa dalawang lungsod at isang bayan.

Base sa Provincial Veterinary Office sa Laguna, kabilang sa apektadong LGUs ang mga sumusunod:

  • San Pablo City (1 barangay)

  • Calamba City (2 barangay)

  • Nagcarlan (2 barangay)

Bilang tugon, namamahagi na ang Provincial Government of Laguna ng disinfectants sa mga apektadong lugar.

“‘Yung population naman natin dito sa Laguna, hindi naman ganoon kadami compared to ‘yung ibang probinsiya dito sa CALABARZON,” pahayag ni Dr. Mary Grace Bustamante ng Provincial Veterinary Office-Laguna.

Rekisistos na sa mga naghahatid ng produkto sa Laguna na magpresenta ng ilang dokumento upang matiyak ang biosecurity.

Kabilang dito ang veterinary health certificate, local shipping permit, livestock handler’s license, at transport carrier accreditation. RNT/SA