MANILA, Philippines – Nakapagtala ng ash emission ang Bulkang Kanlaon sa summit crater nito Biyernes ng hapon, Abril 24, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).
Namataan ang 800 metro ng grayish ash plumes mula sa Kanlaon Volcano Summit crater bandang 5:23 ng hapon.
Noong Miyerkules ay nagbuga rin ang Kanlaon ng 500 metrong ash plumes mula 5:47 ng umaga hanggang 6:06 ng umaga.
Nananatili namang nasa Alert Level 2 ang Bulkang Kanlaon. RNT/JGC