Manila, Philippines – Napapanood na ngayon sa VMX (dating Vivamax) ang pelikulang Malagkit ni Direk Bobby Bonifacio Jr.
Dito unang nabinyagan ang baguhang sexy actress na si Ashley Lopez sa maiinit na lampungan at hubaran.
Nabanggit ni Ashley ang kaunting patikim hinggil sa kanilang pelikula.
Aniya, “Sexy-comedy po ito na may halong drama sa huli. Sobrang wild po ng project na ito kaya kaabang-abang talaga.
“Si Mindy ang role ko po rito, isang 20’s girl na galing Manila and fiance po niya si Renald na ginagampanan ni Ace Toledo.”
Kasama rin sa pelikulang Malagkit sina Lea Bernabe, VJ Vera, at iba pa.
Anyway, aminado rin ang talent na ito ni Jojo Veloso na double meaning ang titulo ng kanilang pelikula.
“Malagkit po ang title dahil maliban sa pagtitinda ng biko ay malalagkit din po ang mga eksena o love scenes dito na talaga namang wild, pampainit po talaga, at dapat abangan ng viewers.
“Lahat po ginawa ko, para mapaganda ang movie namin. Kaya naniniwala ako na maso-solb ang viewers ng Malagkit at hindi po sila mabibitin dito,” nakangiting sambit ni Ashley.
Wala rin daw kaso sa newbie na ito kung tawagin o bansagan siyang hubadera.
Aniya, “Hindi po ako mao-ooffend dahil trabaho ko po ito at matagal ko na po talagang pangarap maging artista.
“Kung iyon po ang gusto nilang itawag sa akin ay okay lang po. Opinyon po nila ‘yon pero as long as wala po akong tinatapakang tao, hindi ko po ikahihiya na tawagin akong sexy star or hubadera,” sambit pa ni Ashley.
Ang next na aabangan kay Ashley ay ang pelikulang Tibok at tiyak na dito’y muling magsasabog ng kanyang alindog ang aktres para magbigay muli ng kakaibang ligaya sa maraming barako. Nonie Nicasio