Home ENTERTAINMENT Juday, wagi sa Fantasporto International FilmFest!

Juday, wagi sa Fantasporto International FilmFest!

Manila, Philippines – Pagkatapos manalo bilang Best Actress si Judy Ann Santos sa MMFF 2024 para sa pelikulang Espantaho, heto at wagi rin siya bilang Best Actress sa 45th Fantasporto International Film Festival, para rin sa nasabing  pelikula na pinagbidahan niya.

Ibinahagi ni Juday sa kanyang Facebook page ang paggawad sa kanya ng parangal na ginanap sa Porto, Portugal nitong Marso 8, Sabado.

“I would like to thank the jury, the Fantasporto, for the recognition. It is a great pride and honor that I’m here to represent my country, which is the Philippines,” sabi ni Juday.

Pinasalamatan din ng aktres ang kanyang Espantaho team at kanyang pamilya.

Aniya pa, pinakamagandang souvenir ang trophy ng pagkilala sa kanya.

“Porto is such a beautiful city. I’m just so happy I would bring home the best souvenir. Thank you,” saad pa ni Juday. Rommel Placente