Home ENTERTAINMENT Ashley, umaming 3 taon nang warla sa ina!

Ashley, umaming 3 taon nang warla sa ina!

Manila, Philippines – Espesyal ang partisipasyon ni Ivana Alawi sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab edition.

Si Ivana kasi ang napaghihingahan ng mga personal na problema ng mga housemates.

Isa na rito si Ashley Ortega.

Ikinagulat and at the same time ay ikinalungkot ng actress-vlogger ang rebelasyon ni Ashley.

Ashley pala is now on her own, living her life independently.

Aniya, tatlong taon na raw silang hindi nag-uusap ng kanyang ina.

FYI, Ashley’s mom is former That’s Entertainment member Michelle Ortega.

Mag-isang namumuhay sa kanyang condo unit si Ashley.

Sa kanyang PBB stint, umaasa si Ashley na maging daan ‘yon ng kanilang pagbabati.

Maingay lang ang background habang kausap ni Ivana si Ashley, pero obyus na pinapayuhan niya ito.

“Alam ko po…” pagsang-ayon ni Ashley kay Ivana.

Hirit naman ng mga netizens– it’s Ashley who should initiate para magkaayos sila ni Michelle.

Makakatulong din ang nobyo nitong si Miguel Tanfelix to make it happen. Ronnie Carrasco III