Home ENTERTAINMENT Ashley Lopez, nakatrabaho si Michael V, dream-come-true!

Ashley Lopez, nakatrabaho si Michael V, dream-come-true!

188
0
Screenshot

Manila, Philippines – Nagpapasalamat ang sexy actress na si Ashley Lopez sa mga magagandang nangyayari sa kanyang showbiz career.

Pahayag niya, “Sobrang happy ko po sa takbo ng showbiz career ko ngayon, dahil maliban sa nagbago ang buhay ko ay unti-unti na pong natutupad ang mga pangarap namin ng mother ko.”

Bukod sa mga pinagbibidahang pelikula sa VMX, thankful siyang nakalalabas na rin ngayon sa TV.

Esplika ni Ashley, “Sobrang natuwa po ako, kasi hindi ko expected na after a year ay mabigyan po ako ng chance sa mainstream agad, though iyon po talaga ang goal ko kahit noong nagsisimula pa lang po akong mag-VMX.”

Nabanggit din ng napaka-seksing alaga ni Jojo Veloso na dream come true na makatrabaho niya ang Kapuso ace comedian na si Michael V.

Aniya, “Yes po, dream come true po talaga… kasi since bata ako napapanood ko na siya and hindi ko po talaga ine-expect na makaka-work ko siya soon at mapupunta rin po ako sa Pepito Manaloto.

“Kaya sobrang thankful din po ako kay sir Michael V. at sa lahat po ng mga nasa TV show na iyon.”

Anong masasabi niya kay Bitoy at kinabahan ba siya nang una niyang nakaeksena ang mahusay na komedyante?

Tugon niya, “Sobrang funny niyang kaeksena at tutulungan ka po niya talaga na mas mapaganda pa ang character mo.”

Pagpapatuloy pa ni Ashley, “Opo kinakabahan ako noong una ko siyang nakaeksena, kasi kapag sinabing Michael V. ay talagang napaka-laking pangalan po niyan sa showbiz.

“Pero yung mga pagjo-joke po niya sa set, nakakatulong po iyon. Kasi, instead na kabahan ka, magiging good vibes lang po lahat.”

Incidentally, next na mapapanood si Ashley sa pelikulang “Sugar Mommy” na pinagbibidahan nila ni Jamilla Obispo. Ito ay mula sa The Good Bois Production ng aktor na si Andrew Gan. Nonie Nicasio

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here