MANILA, Philippines- Ibinasura ng Quezon City Prosecutor’s Office ang assault complaint na inihain ng mga pulis laban kay President Sara Duterte kaugnay ng hospital transfer ng kanyang tauhan noong nakaraang taon.
Inakusahan ng Quezon City Police District si Duterte, pinuno ng kanyang security detail, at iba pa ng direct assault, disobedience to authority, at grave coercion sa umano’y “forced transfer” ni Office of the Vice President (OVP) chief of staff Zuleika Lopez sa isang pribadong ospital.
Ayon sa mga pulis, makikita sa mga video na pisikal na inatake ng security head ni Duterte na si Army Col. Raymund Dante Lachica, ang isang police doctor sa Nov. 23, 2024 incident.
Nagkasakit umano si Lopez, inatasang iditine sa House of Representatives, matapos sabihang ililipat siya sa Correctional Institute for Women sa Mandaluyong City, sa kasagsagan ng imbestigasyon ng Kamara sa paggamit ng pondo ng OVP. RNT/SA