Home ENTERTAINMENT Diwata, ipapakain sa pating!

Diwata, ipapakain sa pating!

Manila, Philippines – Time off muna si Diwata sa kanyang paresan duties.

Sa kanyang Facebook page, ipinasilip ni Deo Balbuena (totoo niyang pangalan) ang kanyang adventures.

Naroong mag-pose siya ng iba’t ibang anggulo habang nakahilata sa buhangin.

Ibinahagi rin ni Diwata ang convo ng isang bangkero doon sa sinakyan niyang crystal kayak.

Bale ‘yun na rin ang nagsilbing tour guide niya.

Ganito humigit kumulang ang kanilang convo:

Diwata: Kuya, baka kung ano ang gawin mo sa akin pag nalasing ka.

Bangkero: Itatapon kita.

D: Saan mo naman ako itatapon?

B: Sa laot!

D: (kinikilig pa) Ano’ng gagawin mo sa akin?

B: Ipapakain kita sa pating!

D: Sorry, kuya…ako ‘yung pating!

B: Hindi, joke lang!

Pinatulan naman ng ilang netizens ang pag-aawra ni Diwata.

Biro nila, mag-aambag daw sila para makalikom ng pampiyansa sa bangkero.

In short, pabor sila sa “maitim” na balak ng bangkero kay Diwata!

Hahaha! Ronnie Carrasco III