Home ENTERTAINMENT Atasha, nag-flex ng abs, hindi nagpakabog kay Anne!

Atasha, nag-flex ng abs, hindi nagpakabog kay Anne!

170
0

Manila, Philippines — Pinag-uusapan ngayon ang promo plug ng isang produkto kung saan na-highlight ang mga personalidad na may super bod.

Siyempre, isa sa mga kwalipikasyon para mapasama sa listahan ng endorsers sa taong ito ay ang pagkakaroon ng healthy lifestyle, aside from having well-toned bodies.

Sa taong ito, kasama sa listahan sina Anne Curtis, Atasha Muhlach, Alice Dixson, at ang atletang si EJ Obiena.

Naging endorsers din ng produkto sina Kathryn Bernardo, Piolo Pascual, at Alden Richards.

Sa hanay naman ng bagong brand ambassadors, hindi nagpakabog si Atasha kay Anne sa nagmumura nitong abs.

Palaban din si Alice na sa kanyang edad ay na-maintain pa rin ang slim figure.

Ito ang hirit ng kibitzers sa nasabing plug:

“Kaya pala ang slim ni Atasha ngayon, part pala siya ng Superbod ambassadors!”

“Taray ng abs ni Atasha! Parang yung kay Gracie Abrams lang.”

“No wonder Atasha’s body is so toned now. She really worked out hard for this endorsement.”

“Grabe yung 6-pack ni Atasha. Goals.”

“Nakaka-shookt naman yung abs ni Atasha.”

“Nananampal ng abs si Atasha. Lufeet.”

“Omg, ATASHA is built like that????”

“Grabe si Atasha. Palaban ang abs kay Anne.”

“At her age, walang kupas pa rin si Alice.”

“Definitely, challenge kay Alice to maintain her well-toned body.”

“Nasaan si Kathryn? Di ba dati siyang brand endorser?” — Archie Liao

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here