Home NATIONWIDE Toll discounts, 50% bawas-pasahe sa tren, umarangkada na

Toll discounts, 50% bawas-pasahe sa tren, umarangkada na

155
0

MANILA, Philippines – Sinimulan na ngayong Lunes ang pagpapatupad ng toll discounts at hanggang 50 porsiyentong bawas-pasahe sa MRT-3 at LRT-2 bilang tugon ng pamahalaan sa pagtaas ng presyo ng langis.

Ayon sa Department of Transportation, sakop ng diskwento sa toll ang mga piling sasakyan tulad ng public utility vehicles (PUVs), bus, at freight trucks. Kasabay nito, ipinatupad din ang fare reduction para sa mga pasahero ng MRT-3 at LRT-2 upang mabawasan ang kanilang gastusin.

Ipinatupad ang mga hakbang kasunod ng utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ipagpaliban ang planong taas-pasahe at magbigay ng agarang tulong sa mga commuter at transport workers.

Nauna nang nagbigay ang pamahalaan ng P5,000 ayuda sa mga tsuper ng PUV upang makatulong sa kanilang kabuhayan matapos ang pagtaas ng presyo ng langis dulot ng tensyon sa Middle East, lalo na sa Strait of Hormuz kung saan dumadaan ang malaking bahagi ng suplay ng langis sa mundo. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here