Home NATIONWIDE P145.56-B Central Mindanao highway project, inaprubahan ni PBBM

P145.56-B Central Mindanao highway project, inaprubahan ni PBBM

156
0

MANILA, Philippines – IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagpapalabas ng P145.56 billion para sa Central Mindanao High Standard Highway Project.

Layon nito na pabilisin ang infrastructure development at palakasin ang economic activity sa rehiyon.

Nauna rito, nagpalabas ang Department of Budget and Management (DBM) ng Forward Obligation Authority (FOA), bilang pagtiyak ng walang patid na pagpopondo para sa proyekto mula 2026 hanggang 2034 at mapigilan ang pagkaantala sa implementasyon.

Sinabi ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro na ang proyekto ay inaasahang makapagbibigay ng mas mabilis na pagbyahe, mas malakas na economic activity, at mas maraming oportunidad, partikular na sa Mindanao.

Mapahuhusay ng highway ang connectivity sa pagitan ng Cagayan de Oro at Malaybalay, at mababawasan ang travel time mula 6.5 oras na magiging 3.5 oras na lamang.

Sa kabilang dako, sinabi ni Budget Secretary Rolando Toledo na binibigyang-diin ng direktiba ang ginagawang pagsusulong ng administrasyon na pabilisin ang high-impact infrastructure projects.

“Sa direktiba ng Pangulo na pabilisin ang infrastructure development, sinisiguro natin na hindi maaantala ang proyekto dahil sa kakulangan ng pondo,” ang sinabi ni Toledo.

“With this FOA, garantisado ang tuloy-tuloy na financing hanggang matapos,” aniya pa rin.

Samantala, ang proyekto ay popondohan sa pamamagitan ng loans o utang mula sa Japan International Cooperation Agency (JICA) at Asian Development Bank (ADB), kasama ang government counterpart funding.

Tinuran pa ng mga opisyal na inaasahang mapababa ng highway ang transportation costs, mapahuhusay ang galaw ng mga kalakal at serbisyo, at pasiglahin ang paglago sa mga pinakamahalagang sektor gaya ng agrikultura, logistics, at turismo sa Northern at Central Mindanao. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here