Home ENTERTAINMENT Ate Vi, may panawagan sa mga magulang!

Ate Vi, may panawagan sa mga magulang!

5
0

Manila, Philippines – Nagkaroon ng pagkakataon ang ilang miyembro ng entertainment media na makapanayam ang Star for All Seasons at Batangas Governor na si Vilma Santos-Recto matapos ang kanyang State of the Province Address (SOPA).

Sa panayam, napag-usapan ang isyu ng ilang kabataang tila nawawalan na ng paggalang sa kanilang mga magulang.

Tinanong si Vilma: “Bilang isang magulang, ano ang pakiramdam mo, at ano ang gusto mong iparating sa mga magulang at mga anak na nawawalan na ng galang sa isa’t isa?”

Ayon kay Vilma, napakahalaga pa rin ng pamilya bilang pundasyon ng lipunan.

Aniya, “Uulitin ko lang, ang importante ngayon ay family is our important unit in our society. Kinalakihan ko ang old-school (values) kung saan ang mga magulang ang gumagawa ng matibay na foundation para sa pamilya.

“Sabi ko nga, ‘hindi naman puwedeng laging i-blame ang eskuwelahan, ang community o ang social media.’

“Kasi minsa kailangan pumunta tayo sa school. Sabi ng nanay, ‘hindi pwede kasi na ka ano scatter,’ ‘di ba o ‘yung tatay nandoon nanonood ng e-sabong.

“Kung gusto nating magkaroon ng pagbabago sa bansa natin, at the end of the day, ang may pinakamalaking responsibilidad ay ang mga magulang.

“Wake up, wake up! Kasi ang mga anak natin ang bukas. Kasi eto na tayo ngayon. Eto na tayo wala na and tomorrow is for the youth at buhay ng youth ang pupunta sa darating na bagong henerasyon na darating.

“Think of your children. Think of your family. Mga magulang, wake up.”

Binigyang-diin ni Vilma na nagsisimula sa loob ng tahanan ang paghubog ng mabuting asal, paggalang, at pagpapahalaga ng mga anak, kaya mahalagang maging mabuting halimbawa ang mga magulang sa kanilang pamilya.

Samantala, sa kanyang State of the Province Address (SOPA), ibinahagi ni Governor Vilma sa mga Batangueño ang mga programa, proyekto, at tagumpay ng Pamahalaang Panlalawigan sa nakalipas na isang taon.

Naging mas buhay at madaling maunawaan ng publiko ang kanyang ulat dahil inilahad ito sa pamamagitan ng isang theatrical presentation na nagbigay-diin sa mga naging bunga ng kanyang pamumuno.

Ipinakita sa SOPA ang malalaking hakbang na isinagawa ng administrasyon sa loob lamang ng isang taon upang maisulong ang isang mas maunlad at mas matatag na Batangas.

Mula sa kalusugan at edukasyon hanggang sa pagpapaunlad ng imprastraktura, binigyang-diin ni Governor Vilma ang mga programang naglalayong mapalapit ang serbisyo sa bawat Batangueño.

Ala eh, super lucky ng mga Batangueño! Sana all ay may Gov. Vi na tunay na naglalapit ng mga programa at serbisyo sa bawat Batangueño. Kitang-kita ang kanyang dedikasyon at malasakit sa patuloy na pagpapaunlad ng lalawigan.

Isang malaking congratulations, Vi! Mercy Lejarde

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here