Home ENTERTAINMENT Ate Vi, wagi sa 10th Platinum Stallion National Media Awards!

Ate Vi, wagi sa 10th Platinum Stallion National Media Awards!

Manila, Philippines- Sunod sunod na naman ang mga parangal na tinanggap ng Star for all Seasons na si Vilma Santos- Recto pagkatapos magwagi ng Best Actress award for her role sa 2024 MMFF movie “Uninvited “.

Ang parangal ay mula sa 10th Platinum Stallion National Media Awards.

Sa katatapos naman na Manila International Film Festival na ginanap sa America ay si Ate Vi ang ginawaran ng MIFF Lifetime Achievement Award.

Parehong hindi tinanggap ng personal ng nagbabalik gobernadora ng Batangas ang nga award dahil sa kaliwa’t kanang pag-iikot sa buong probinsiya.

Pero nagpadala naman ng kanyang video message si Ate Vi.

Samantala, almost everyday ay umiikot si Gov. Vi sa mga nasasakupan ng probinsiya ng Batangas.

Kahit wala pang opisyal na campaign period ay bising bisi ang aktres sa pangungumusta sa mga constituents niya.

And in fairness dinudumog lahat ng mga Batangueño ang mga pagtitipon ni Ate Vi.

Parang walang kapagurang nakikipagkamay, beso beso at nakikipagtsikahan si Gov. Vi.

Sabi nga ng isang taga-Batangas  na nakausap namin ay hindi na raw naman dapat nagpapakahirap si Gov. Vi para mangampanya. Very sure naman daw na landslide winner si Gov. Vi.

Sa latest survey, more than 50 percent na angat ang comebacking governor over sa mga katunggali niya, huh!

Kaya raw naman ganu’n na lang kasipag mag-ikot si Ate Vi ay para na rin daw makasiguro ang anak niyang si Luis Manzano na manalo bilang bise gobernador ng Batangas kung saan ang incumbent governor ang kalaban, huh!

Pero sa inilabas na latest survey ay malaki rin ang kalamangan ni Luis sa mga kalaban niya, huh! Jimi Escala