Home NATIONWIDE Atong Ang, 17 iba pa pinaaaresto na ng korte sa ‘missing sabungero’...

Atong Ang, 17 iba pa pinaaaresto na ng korte sa ‘missing sabungero’ case

255
0

MANILA, Philippines – Naglabas ang Regional Trial Court sa Sta. Cruz, Laguna ng arrest warrant laban kay businessman Charlie “Atong” Ang at 17 iba pa kaugnay sa kasong kidnapping with homicide, isang non-bailable offense sa ilalim ng batas ng Pilipinas.

Batay sa court document noong Enero 13, 2026, may probable cause ang hukuman para i-aresto ang mga akusado, na may mga address sa Muntinlupa City, Laguna, at Batangas.

“The bail for the release of the accused in this case is fixed at NOT BAILABLE for kidnapping with homicide,” nakasaad sa kautusan.

Iniutos din ng hukuman sa mga awtoridad na sundin ang Rules on the Use of Body-Worn Cameras sa pagpapatupad ng warrant, na mayroong hindi bababa sa isang body camera at alternatibong recording device para i-dokumento ang proseso ng pag-aresto.

Nilagdaan ng Presiding Judge Mary Jean T. Cajandab-Ong ang warrant na ipinadala sa PNP DIDM at sa kinauukulang hepe ng istasyon ng pulis para sa agarang pagpapatupad.

Noong Disyembre 2025, nagsampa ang Department of Justice ng pormal na kaso laban kay Ang at iba pa sa ilang regional trial courts kaugnay sa pagkawala ng ilang sabungeros o mahilig sa sabong. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here