MANILA, Philippines – Nakitaan ng prima facie evidence ng prosecutors ang mga reklamo laban sa negosyanteng si Atong Ang at 25 iba pang indibidwal kaugnay sa kinakaharap nilang kaso sa nawawalang mga sabungeros.
Kaya, inirekomenda na ng Department of Justice sa sampahan ng kasong 10 counts of kidnapping at homicide sina Ang at iba na karamihan ay mga pulis.
Ito ay matapos ang isang masusing pagsusuri, sa pinagsamang mga kaso ng People of the Philippines vs. Charlie Tiu Hay Ang @ Atong Ang et al. nakita ng panel ng mga pampublikong tagausig ang prima facie evidence kung saan titindig umano ang mga kaso sa korte.
Bukod pa ito sa 16 counts ng kidnapping with serious illegal detencion na inirekoemnda rin ng DOJ na isampa laban kina Ang at 9 pang indibidwal.
Kabilang sa mga sinampahan ng kaso si Charlie Tiu Hay Ang alyas Atong Ang, PLtCol. Ryan Jay Orapa, Rogelio Teodoso Borican Jr., Rodelo Anig-ig, Jezrel Mahilum, Mark Carlo Zabala, Ronquillo Anding, PSMS Joey Natanauan Encarnacion, PSMS Aaron Ezrah Lagahit Cabillan, PMSG Michael Jaictin Claveria, PSMS Mark Anthony Aguilo Manrique, PSMS Anderson Orozco Abary, PSSG Edmon Hernandez Muñoz, PSSG Alfredo Uy Andres, PMaj Philip Almedilla, PLT Henry Sasaluya, PCMS Arturo Dela Cruz, PSMS Farvy Opalla Dela Cruz, PSSG Alfredo Uy Andes, PSMS Joey Encarnacion, PCol. Angel Joseph Martin, Jezrel Lazarte Mahilum, Emman Cayunda Falle, Julious Tagalog Gumulon, PMSG Renan Lagrosa Fulgencio.
Ibinasura naman ng DOJ ang mga reklamo sa iba pang indibidwal na hindi kasama sa inirekomendang kasuhan sa mga korte.
Si Ang ang itinututrong mastermind umano sa mga missing sabungeros.
Hindi pa naglalabas ng pahayag ang kampo ni Ang pero una nang itinanggi ng negosyante ang mga paratang at alegasyon laban sa kanya. Jocelyn Tabangcura-Domenden