Home NATIONWIDE 25 high-powered firearms, explosives, isinuko sa PNP

25 high-powered firearms, explosives, isinuko sa PNP

259
0

MANILA, Philippines – Isinuko ng Integrity Monitoring and Enforcement Group (IMEG) advisory chairman na si Jesus Martinez ang 25 high-powered firearms at explosives sa Philippine National Police (PNP) nitong Martes.

Ani Martinez, negosyo rin siya sa Davao City at nagdesisyon siyang isuko ang mga armas, ilan ay mula pa noong 1980s, matapos niyang suriin ang sariling records bilang bahagi ng tungkulin sa PNP advisory council.

“Noong 1980s, nagkaroon tayo ng amnesty sa loose firearms. Nasa Maguindanao del Sur kami, alam natin noong panahon na iyon may giyera, halos lahat ng sibilyan may baril. Nagpa-license tayo, pero ‘yung iba nawala na ang records. Ngayon, bilang chairman ng IMEG, gusto kong maging halimbawa para sumunod ang iba,” ani Martinez.

Kabilang sa isinukong armas ang high-performance rifles, shotguns, submachine guns, fragmentation grenades, at assorted ammunition.

Umaasa si Martinez na ang kanyang aksyon ay hihikayat sa iba, lalo na ang may impluwensya, na sumunod sa batas at tumulong sa pagpapanatili ng kapayapaan at seguridad. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here