Home HOME BANNER STORY Atong Ang nasa Pinas pa – DOJ

Atong Ang nasa Pinas pa – DOJ

215
0

MANILA, Philippines -Nasa Pilipinas pa umano ang negosyanteng si Charlie “Atong” Ang, na nahaharap sa warrant of arrest kaugnay ng mga kaso ng “missing sabungeros,” ayon sa Department of Justice (DOJ) nitong Miyerkules, Enero 14.

Sinabi ni DOJ spokesperson at Prosecution Attorney Raphael Niccolo L. Martinez na kinumpirma ng Bureau of Immigration (BI) na hindi pa umaalis ng bansa si Ang.

“As confirmed by BI spokesperson Dana Sandoval, there is no record of Atong Ang leaving the country,” ayon kay Martinez.

Naglabas na ng warrant of arrest ang Regional Trial Court (RTC) Branch 26 sa Sta. Cruz, Laguna laban kay Ang at sa kanyang mga co-accused. Sinabi rin ng DOJ na hihilingin nito sa korte ang paglalabas ng hold departure order (HDO) laban sa kanila.

Kinasuhan si Ang at ang kanyang mga kasamahan sa Sta. Cruz RTC ng non-bailable na kidnapping with homicide kaugnay ng pagkawala noong 2022 ng apat na “sabungeros” na sina Manny M. Magbanua, Ferdinand Q. Dizon, Mark Paul R. Fernandine, at Melbert John A. Santos.

Mayroon ding mga kasong isinampa laban sa kanila sa mga RTC sa Lipa City, Batangas at San Pablo City, Laguna, ngunit hindi pa tiyak kung naglabas na ng arrest warrants ang dalawang korte.

May kabuuang 26 na kasong kriminal na isinampa laban kay Ang, kabilang ang 10 bilang ng kidnapping with homicide at 16 bilang ng kidnapping with serious illegal detention.

Ayon sa whistleblower na si Julie Patidongan, pinatay umano ang mga nawawalang “sabungeros” matapos maparatangang nandaya, o “tyope.” RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here