SA mga news platform, lalo na sa social media, nagkalat na ang nababasang political maneuvering – kung hindi pinupuri ay binabanatan ang isang politiko.
Hindi naman na ito nakapagtataka dahil tuwing papalapit ang halalan ay ganito na ang karaniwang laman ng balita – kumbaga’y nakasanayan na.
Sa Caloocan City halimbawa, naglalabasan na ang iba’t ibang isyu na ang intensyon ay sirain si 1st District Rep. Oscar “Oca” Malapitan at Mayor Gonzalo Dale “Along” Malapitan.
Tulad ng nagdaang mga eleksyon, ang mga nag-iimbento nang paninira ay yaong dati-rati pa ring mga personalidad na ilang beses nang tinalo ng Malapitans.
Ika nga, the same old “attack dogs” na tuwing halalan ay sinisiraan ang mga Malapitan pero ang resulta’y paulit-ulit na panalo para sa father and son tandem.
Gaya na lang ng ginagawang pagbirada ni ex-Mayor Rey Malonzo kay Rep. Oca Malapitan gamit ay kathang isip na kuwento at rehashed issue.
Ginamit pa ang Office of the Ombudsman para muling pag-usapan ang mahigit isang dekadang kaso na dinismis din ng premiere investigating body dahil hindi totoo.
Hindi lang ‘yan dahil sa social media ay iba’t ibang isyu pa ang inilalabas ni “Karate Kid” pero hindi niya maloloko ang mga Batang Kankaloo dahil batid nila ang katotohanan.
Si Malonzo ay three-term mayor na kumandidatong alkalde at congressman laban sa Malapitans pero sa ilang beses na pagtatangka’y ‘di ito nagtagumpay.
Sa agos ng pag-iisip, tila matindi ang ‘bitterness’ na nararamdaman kaya ‘di nakapagtatakang pati pagkamatay ni Dr. Jose Rizal ay ibinintang na rin kay dating Mayor Oca Malapitan.
Ang balita natin ay tatakbong muli si Malonzo sa darating na May 2025 election, makakatunggali sa pagka-kongresista ng unang distrito ng Caloocan si incumbent Rep. Malapitan.
Kung bakit kahol nang kahol si Malonzo laban sa nakatatandang Malapitan – sabi nga ng mga malilikot ang isip ay “alam na this”. Your guesses are as good as mine.