Home NATIONWIDE Atty. Raul Lambino pinagpapaliwanag sa ‘pagpapakalat ng maling impormasyon’

Atty. Raul Lambino pinagpapaliwanag sa ‘pagpapakalat ng maling impormasyon’

MANILA, Philippines- Pinagpapaliwanag ng Supreme Court (SC) En Banc si Atty. Raul Lambino hinggil sa ikinalat umano nitong balita na nagpalabas umano ang SC ng temporary restraining order para pigilan ang pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Dutertenoong March 11, 2025.

Magugunita na sa kasagsagan ng pag-aresto sa dating Pangulo noong March 11, nag-Facebook Live broadcast si Atty. Lambino at sinabi na nag-isyu na ang Korte Suprema ng TRO laban sa arrest warrant.

Mayroon lamang 10 araw si Lambino para magsumite ng paliwanag kung bakit hindi siya dapat patawan ng administrative action dahil sa pagpapakalat ng maling impormasyon.

“This misinformation caused public confusion and misled the people about the SC’s actions.”

Magugunita na March 11, 2025 ng hapon ay naghain si Sen. Bato dela Rosa ng petisyon sa SC para hilingin na pigilan ang pag-aresto at pagdala sa dating Pangulo sa International Ctiminal Court sa Netherlands.

Gabi ng March 11 ay inihayag ni Lambino na nag-isyu na ng TRO ang korte ngunit lumabas na hindi pala totoo. Teresa Tavares