Home METRO 3 sugatan sa sumabog na gasoline storage sa Malasiqui, Pangasinan METRONATIONWIDETOP STORIES 3 sugatan sa sumabog na gasoline storage sa Malasiqui, Pangasinan April 8, 2025 16:41 FacebookTwitterPinterestWhatsAppTikTok MANILA, Philippines- Sugatan ang tatlong indibidwal kasunod ng pagsabog sa isang gasoline storage sa Malasiqui, Pangasinan nitong Linggo.Base sa ulat nitong Lunes, itinaas ang sunog sa second alarm dahil sa pagsabog na naririnig kada minuto.Naobserbahan din ang makapal at maitim na usok mula sa establisimiyento. Nasunog din ang dalawang kalapit na bahay.Iniimbestigahan pa ng Bureau of Fire Protection ang mitsa ng insidente at halaga ng pinsala. RNT/SA