Home NATIONWIDE Aug. 15 idineklarang special non-working day sa Bulacan

Aug. 15 idineklarang special non-working day sa Bulacan

MANILA – Idineklara ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., ang Agosto 15, 2024 bilang isang espesyal na araw ng walang pasok sa lalawigan ng Bulacan bilang pagdiriwang ng anibersaryo ng pagkakatatag nito.

Nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin ang Proclamation No. 625 noong Hulyo 5 kung saan nai-post ang proklamasyon sa Official Gazette website nitong Lunes.

Inilabas ni Marcos ang proklamasyon upang bigyan ang mga taga-Bulacan ng “buong pagkakataon na tamasahin ang pagdiriwang” ng araw ng pagkakatatag ng kanilang lalawiganna itinatag noong Agosto 15, 1578.

Patuloy itong nagiging industriyalisado dahil sa lapit nito sa Metro Manila.

Gayundin, taglay nito ang kahalagahang pangkasaysayan dahil ito ang tahanan ng unang Republika ng Pilipinas, na kilala rin bilang Republika ng Malolos, na ipinroklama noong 1899 sa Simbahan ng Barasoain sa Lungsod ng Malolos, ang kabisera ng Bulacan. RNT