Mia - Remate Online https://remate.ph ANG DYARYO NG MASA ONLINE Tue, 20 Oct 2026 10:54:32 +0000 en-US hourly 1 https://wordpress.org/?v=7.1.3 https://remate.ph/wp-content/uploads/2025/09/512-150x150.png Mia - Remate Online https://remate.ph 32 32 Mga katutubo nanawagan ng pananagutan sa NCIP https://remate.ph/mga-katutubo-nanawagan-ng-pananagutan-sa-ncip/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=mga-katutubo-nanawagan-ng-pananagutan-sa-ncip https://remate.ph/mga-katutubo-nanawagan-ng-pananagutan-sa-ncip/#respond Tue, 20 Oct 2026 11:54:50 +0000 https://remate.ph/?p=760583 MANILA, Philippines – Nagtungo sa tanggapan ng National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) nitong Miyerkules ang mga lider ng Igorot at Lumad mula sa KATRIBU, kasama ang mga Ayta mula Tarlac at Pampanga, Mangyan mula Mindoro, Molbog mula Palawan, at mga tagapagtaguyod ng karapatan ng mga katutubo. Layunin nilang panagutin ang ahensya sa mga alegasyon […]

The post Mga katutubo nanawagan ng pananagutan sa NCIP first appeared on Remate Online.

]]>
MANILA, Philippines – Nagtungo sa tanggapan ng National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) nitong Miyerkules ang mga lider ng Igorot at Lumad mula sa KATRIBU, kasama ang mga Ayta mula Tarlac at Pampanga, Mangyan mula Mindoro, Molbog mula Palawan, at mga tagapagtaguyod ng karapatan ng mga katutubo.

Layunin nilang panagutin ang ahensya sa mga alegasyon ng korapsyon, pang-aagaw ng mga lupang ninuno, at paglabag sa karapatan ng Indigenous Peoples (IP), kabilang ang karapatan sa Free, Prior and Informed Consent (FPIC).

Bilang paggunita sa National Indigenous Peoples and Peasant Month ngayong Oktubre, iginiit ng mga katutubo: “Enough of the plunder of ancestral lands and violations of our rights! Abolish NCIP!” DANNY QUERUBIN

The post Mga katutubo nanawagan ng pananagutan sa NCIP first appeared on Remate Online.

]]>
https://remate.ph/mga-katutubo-nanawagan-ng-pananagutan-sa-ncip/feed/ 0
DSWD, nanawagan ng sama-samang paghahanda sa Super El Niño https://remate.ph/dswd-nanawagan-ng-sama-samang-paghahanda-sa-super-el-nino/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=dswd-nanawagan-ng-sama-samang-paghahanda-sa-super-el-nino https://remate.ph/dswd-nanawagan-ng-sama-samang-paghahanda-sa-super-el-nino/#respond Tue, 20 Oct 2026 11:43:42 +0000 https://remate.ph/?p=760582 MANILA, Philippines – Binigyang-diin ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian ang kahalagahan ng pagtutulungan ng pamahalaan at publiko upang mabawasan ang epekto ng inaasahang Super El Niño at maprotektahan ang mga pamilyang Pilipino. Sa temang “Bawat Buhay Mahalaga,” sinabi ng DSWD na dapat maging pantay at tuloy-tuloy ang pagtugon sa […]

The post DSWD, nanawagan ng sama-samang paghahanda sa Super El Niño first appeared on Remate Online.

]]>
MANILA, Philippines – Binigyang-diin ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian ang kahalagahan ng pagtutulungan ng pamahalaan at publiko upang mabawasan ang epekto ng inaasahang Super El Niño at maprotektahan ang mga pamilyang Pilipino.

Sa temang “Bawat Buhay Mahalaga,” sinabi ng DSWD na dapat maging pantay at tuloy-tuloy ang pagtugon sa mga kalamidad upang matiyak ang kaligtasan ng lahat ng maaapektuhan.

“Tulad ng sa lahat ng kalamidad, hindi natin matitiyak kung kailan ito mangyayari. Ngunit sa pagkakataong ito, nakikita na natin ito nang maaga pa lamang, kaya naman naghahanda na ang pamahalaan mula pa sa simula. Ang paghahanda nang maaga, pagbibigay-alam sa publiko, at paghingi ng tulong mula sa inyong lahat ang tamang hakbang na dapat gawin,” pahayag ni Gatchalian noong Lunes, Oktubre 19.

Ayon sa kalihim, alinsunod ito sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na pag-isahin ang mga ahensya ng pamahalaan sa paghahanda sa matinding tagtuyot. Hinikayat din niya ang publiko na magtipid ng tubig sa pamamagitan ng maliliit na pang-araw-araw na gawain.

“Hindi namin hinihiling sa mga mamamayan na gumawa ng malalaking bagay; ang nais namin ay ang paggawa ng maliliit at pang-araw-araw na mga bagay na, kapag pinagsama-sama, ay magkakaroon ng malaking epekto. Hindi ba? Halimbawa, sa paghuhugas—kung ikaw ay nakatira nang mag-isa at naghuhugas ng iyong mga pinggan, huwag hayaang nakabukas nang tuloy-tuloy ang gripo, hindi ba?” paliwanag niya.

Upang mapalakas ang suplay ng tubig at seguridad sa pagkain, ipinapatupad ng DSWD ang Project LAWA at BINHI (Local Adaptation to Water Access and Breaking Insufficiency through Nutritious Harvest for the Impoverished), kasama ang libu-libong proyektong nag-iipon ng tubig sa iba’t ibang panig ng bansa.

Nilinaw ni Gatchalian na bahagi lamang ng mas malawak na plano ng pamahalaan ang mga portable water filtration unit na nakatanggap ng pansin sa social media. Layunin ng mga ito na matiyak na malinis at ligtas gamitin ang iniimbak na tubig, ngunit hindi ito ang nag-iisang solusyon sa El Niño.

“Ang water filtration ay isa lamang sa marami. Layunin talaga nito na magkaroon ng malinis na tubig ang ating mga kabahayan. Nais ko lang ilagay ito sa tamang konteksto—tulad ng payo na mag-imbak ng tubig—nais naming tiyakin na kapag nag-imbak kayo ng tubig, magagamit ito nang wasto at may mapupuntahan ang paggamit nito. Ngunit hindi ito nangangahulugan na ito lamang ang tanging solusyon,” aniya.

Samantala, nagsasagawa rin ng mga hakbang para matiyak ang sapat na pagkain at suplay ng mga pangunahing pangangailangan. Pinananatili ng Department of Agriculture (DA) ang mga nakaimbak na suplay at namamahagi ng mga binhing matibay sa tagtuyot. SANTI CELARIO

The post DSWD, nanawagan ng sama-samang paghahanda sa Super El Niño first appeared on Remate Online.

]]>
https://remate.ph/dswd-nanawagan-ng-sama-samang-paghahanda-sa-super-el-nino/feed/ 0
Negosyante tinodas sa Malabon https://remate.ph/negosyante-tinodas-sa-malabon/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=negosyante-tinodas-sa-malabon https://remate.ph/negosyante-tinodas-sa-malabon/#respond Tue, 20 Oct 2026 11:32:34 +0000 https://remate.ph/?p=760581 MANILA, Philippines – Patay ang isang negosyante matapos barilin sa ulo ng hindi pa kilalang suspek sa harap ng kanyang motor shop na kanya ring tirahan sa Malabon City, Lunes ng gabi. Kaagad nalagutan ng hiningan sanhi ng tinamong tama ng bala sa ulo ang biktimang si alyas “Mark Anthony”, 32, residente ng Blk 8H, […]

The post Negosyante tinodas sa Malabon first appeared on Remate Online.

]]>
MANILA, Philippines – Patay ang isang negosyante matapos barilin sa ulo ng hindi pa kilalang suspek sa harap ng kanyang motor shop na kanya ring tirahan sa Malabon City, Lunes ng gabi.

Kaagad nalagutan ng hiningan sanhi ng tinamong tama ng bala sa ulo ang biktimang si alyas “Mark Anthony”, 32, residente ng Blk 8H, Lot 7, Teachers Village, Brgy., Longos.

Batay sa ulat ni Malabon Police Chief P/Col. Kenneth Mission kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Benliner Capili, dakong alas-11:05 ng gabi nang maganap ang insidente sa labas ng bahay ng biktima.

Lumabas sa imbestigasyon nina P/MSg Michael Oben at P/SSg. Bengie Nalogoc, lumabas ng kanyang bahay ang biktima nang dumating ang delivery rider na may dala sa kanyang biniling produkto.

Habang tinatanggap nito ang pakete, biglang dumating ang dalawang magka-angkas sa motorsiklo at nang bumaba ang isa, bumunot agad ng baril at malapitang pinaputukan ng dalawang beses sa ulo ang biktima sa harap mismo ng nahintakutang delivery rider.

Isang testigo naman ang nakakita sa gunman na sumakay sa motorsiklong minamaneho ng kanyang kasabuwat bago tumakas ang mga ito patungong Langaray St., sa Caloocan City.

Inaalam pa ng pulisya ang motibo sa pamamaril sa biktima habang nagsasagawa na rin ng forward at backtracking sa kuha ng mga CCTV sa lugar na maaring makakatulong upang makilala at madakip ang mga salarin. Rene Manahan

The post Negosyante tinodas sa Malabon first appeared on Remate Online.

]]>
https://remate.ph/negosyante-tinodas-sa-malabon/feed/ 0
E-trike driver, binaril sa mukha ng riding-in-tandem, patay https://remate.ph/e-trike-driver-binaril-sa-mukha-ng-riding-in-tandem-patay/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=e-trike-driver-binaril-sa-mukha-ng-riding-in-tandem-patay https://remate.ph/e-trike-driver-binaril-sa-mukha-ng-riding-in-tandem-patay/#respond Tue, 20 Oct 2026 11:21:27 +0000 https://remate.ph/?p=760580 MANILA, Philippines – Patay ang isang e-trike driver matapos barilin sa mukha ng hindi pa kilalang riding-in tendem sa Malabon City, napaulat kahapon. Agad binawian ng buhay sanhi ng isang tama ng bala sa mukha ang biktimang si Christian Lorenzo, 34, residente ng Sitio 6, Brgy. Catmon. Sa ulat ni Malabon police chief P/Col. Kenneth […]

The post E-trike driver, binaril sa mukha ng riding-in-tandem, patay first appeared on Remate Online.

]]>
MANILA, Philippines – Patay ang isang e-trike driver matapos barilin sa mukha ng hindi pa kilalang riding-in tendem sa Malabon City, napaulat kahapon.

Agad binawian ng buhay sanhi ng isang tama ng bala sa mukha ang biktimang si Christian Lorenzo, 34, residente ng Sitio 6, Brgy. Catmon.

Sa ulat ni Malabon police chief P/Col. Kenneth Mission kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Benliner Capili, naganap ang insidente dakong alas-8:00 ng gabi sa kanto ng M.H. Del Pilar St. at Basilio St. Brgy. Tugatog.

Lumabas sa imbestigasyon na habang namamasada ang biktima para umano sa pambili ng gatas ng bagong panganak niyang live-in partner nang barilin sa mukha ng mga suspek bago mabilis na tumakas patungo sa Brgy. Acacia.

Sa ginawa namang beripikasyon ng mga imbestigador, napagalaman na nakulong na ang biktima dahil sa paglabag sa pag-iingat ng pampasabog noong Pebrero 19, 2024.

Inaalam pa ang pulisya sa motibo ng pagpaslang, habang ayon sa ginawang pahayag ng ina ng biktima na si Aling Marife, wala silang alam na kaaway ang anak na nagsisikap aniyang buhayin ang pamilya sa pamamasada.

Patuloy ang isinagawang follow-up imbestigasyon ng pulisya para sa posibleng pagkakakilanlan sa mga suspek at sa agarang pagdakip sa mga ito. (Merly Duero)

The post E-trike driver, binaril sa mukha ng riding-in-tandem, patay first appeared on Remate Online.

]]>
https://remate.ph/e-trike-driver-binaril-sa-mukha-ng-riding-in-tandem-patay/feed/ 0
Safety officer dedo nang saksakin ng 15 beses ng kanyang kinakasama https://remate.ph/safety-officer-dedo-nang-saksakin-ng-15-beses-ng-kanyang-kinakasama/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=safety-officer-dedo-nang-saksakin-ng-15-beses-ng-kanyang-kinakasama https://remate.ph/safety-officer-dedo-nang-saksakin-ng-15-beses-ng-kanyang-kinakasama/#respond Tue, 20 Oct 2026 11:10:19 +0000 https://remate.ph/?p=760579 LAGUNA, Philippines – Nasawi habang nilalapatan ng lunas sa Cabuyao City Hospital ang isang 30-anyos na safety officer matapos umanong saksakin nang 15 beses ng kanyang live-in partner madaling-araw kahapon sa Barangay Pulo, Cabuyao City, Laguna. Kinilala ang biktima sa alyas na Joselito, na nagtamo ng 13 saksak sa dibdib at dalawa sa leeg. Naaresto […]

The post Safety officer dedo nang saksakin ng 15 beses ng kanyang kinakasama first appeared on Remate Online.

]]>
LAGUNA, Philippines – Nasawi habang nilalapatan ng lunas sa Cabuyao City Hospital ang isang 30-anyos na safety officer matapos umanong saksakin nang 15 beses ng kanyang live-in partner madaling-araw kahapon sa Barangay Pulo, Cabuyao City, Laguna.

Kinilala ang biktima sa alyas na Joselito, na nagtamo ng 13 saksak sa dibdib at dalawa sa leeg. Naaresto naman ang suspek na si alyas Catherine, 35, isang HR encoder na tubong Lucena City at pansamantalang naninirahan sa nabanggit na lugar. Nasa kustodiya na siya ng Cabuyao City Police Station.

Batay sa paunang imbestigasyon, dakong alas-12:30 ng madaling-araw habang mahimbing na natutulog ang biktima nang bigla umano siyang pagsasaksakin ng kanyang kinakasama.

Ayon sa testigong si Jefred, narinig niya ang biktima na sumigaw ng, “Pagod ako, natutulog na ako sinaksak mo pa ako.” Ayon sa salaysay, nagtatalo umano ang mag-live-in partner sa ikalawang palapag ng bahay bago may marinig na humihingi ng tulong. Nang umakyat si Jefred, nadatnan niya ang biktimang nakahandusay at duguan.

Agad na isinugod sa ospital ang biktima, ngunit binawian din siya ng buhay habang ginagamot. ELLEN APOSTOL

The post Safety officer dedo nang saksakin ng 15 beses ng kanyang kinakasama first appeared on Remate Online.

]]>
https://remate.ph/safety-officer-dedo-nang-saksakin-ng-15-beses-ng-kanyang-kinakasama/feed/ 0
PBBM hinimok ni Hontiveros ideklarang persona non grata si Ambassador Jing https://remate.ph/pbbm-hinimok-ni-hontiveros-ideklarang-persona-non-grata-si-ambassador-jing/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=pbbm-hinimok-ni-hontiveros-ideklarang-persona-non-grata-si-ambassador-jing https://remate.ph/pbbm-hinimok-ni-hontiveros-ideklarang-persona-non-grata-si-ambassador-jing/#respond Tue, 20 Oct 2026 10:59:44 +0000 https://remate.ph/?p=760570 MANILA, Philippines – Naghain si Sen. Risa Hontiveros ng isang resolusyon na humihimok kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ideklarang persona non grata si Chinese Ambassador Jing Quan o kaya hilingin sa gobyerno ng China na bawiin ito sa Pilipinas, matapos ang sunud-sunod na kontrobersyal na pahayag at kilos ng embahada ng China. Nakasaad sa […]

The post PBBM hinimok ni Hontiveros ideklarang persona non grata si Ambassador Jing first appeared on Remate Online.

]]>
MANILA, Philippines – Naghain si Sen. Risa Hontiveros ng isang resolusyon na humihimok kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ideklarang persona non grata si Chinese Ambassador Jing Quan o kaya hilingin sa gobyerno ng China na bawiin ito sa Pilipinas, matapos ang sunud-sunod na kontrobersyal na pahayag at kilos ng embahada ng China.

Nakasaad sa resolusyon na noong Oktubre 15, 2026 sa Diliman Dialogues sa Quezon City, nang tanungin si Ambassador Jing kaugnay sa pahayag ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. na tinawag ang China na regional troublemaker, sinabi ng ambassador na kung gugustuhin ng China na gumamit ng dahas ay madali silang mananalo, pero hindi nila ito gagawin.

Aniya, dapat ay ikatuwa pa ng Pilipinas na kapitbahay nito ang China dahil mapagmahal ito sa kapayapaan.

Tinawag ng Department of Foreign Affairs ang pahayag na tila may  pagbabanta sa paggamit ng dahas, habang sinabi mismo ni Pangulong Marcos Jr. na tunog banta ito at ipapatawag niya si Ambassador Jing sa Malacañang.

Mariing tinutulan ni Secretary Teodoro ang depensang nagkamali lamang sa pagsasalita ang ambassador at sinabing tinatakot tayo ng China.

Noong Oktubre 17, 2026, sinagot pa ng Chinese Embassy ang mga senador at kongresista na nagpanukalang ideklarang persona non grata si Jing sa pamamagitan ng paghamon na just do it, otherwise, stop bluffing, at inakusahan ang mga mamamahayag at pulitikong Pilipino ng pagmamalabis, pagkuha ng pahayag out of context at paggawa ng hype.

Nagprotesta ang Defense Press Corps laban sa pahayag ng embahada.

Nakasaad din sa resolusyon na dati nang idineklara ng Sangguniang Bayan ng Kalayaan sa Palawan na persona non grata si Ambassador Jing matapos banatan ng Chinese Embassy sa pangalan sina Commodore Jay Tarriela, Sen. Hontiveros at Rep. Leila de Lima, at bilang ganti ay pinagbawalan ng China ang 16 na opisyal ng bayan na pumasok sa China, Hong Kong at Macao.

Nagbabala pa ang embahada na mas marami pang opisyal ng Pilipinas ang pagbabawalan sakaling ideklarang persona non grata ang ambassador.

Iginiit ni Hontiveros na taliwas sa sinasabing pagpigil ng China ang aktwal na kilos nito sa West Philippine Sea.

Na-monitor ng mga awtoridad ng Pilipinas ang pagdami ng mga barko ng Chinese Navy at Coast Guard sa apat na bahagi ng West Philippine Sea isang buwan bago ang pahayag ni Jing.

Nitong nakaraang taon, lalo pang tumindi ang pangha-harass ng China sa mga barko ng Pilipinas kabilang ang pananakit ng Chinese Coast Guard sa isang sundalong Pilipino sa pamamagitan ng pagpalo ng batuta sa ulo at paninira ng Navy boat sa Ayungin Shoal, paggamit ng water cannon laban sa mga barko ng pangisdaan sa Bajo de Masinloc, pagbangga ng Chinese Coast Guard vessel sa BRP Datu Magat Salamat habang naghahatid ng gasolina sa mga mangingisdang Pilipino, at mapanganib na paglapit ng Chinese J-16 fighter jet sa C-208 patrol aircraft ng Philippine Air Force sa Bajo de Masinloc.

Kamakailan din ay hinarang ng China Coast Guard ang paglikas ng isang maysakit na sundalo mula sa BRP Sierra Madre gamit ang water cannon na nagpaantala ng mahigit walong oras sa paglilipat.

Sa mismong araw ng pahayag ni Jing noong Oktubre 15, isang Chinese fishing vessel ang dumaong sa teritoryal na karagatan ng Lawak Island at nagpakawala ng apat na bangka na nangisda nang walang pahintulot ng gobyerno ng Pilipinas, na labag sa Fisheries Code at Maritime Zones Act.

Patuloy aniya ito sa pattern ng iligal na pangingisda na tinukoy na sa 2016 Arbitral Award kung saan napatunayang nilabag ng China ang sovereign rights ng Pilipinas.

Binanggit din sa resolusyon ang insidente noong Hulyo 10, 2026, ilang buwan matapos batikusin ng China si Commodore Tarriela dahil sa pagpapakita ng caricature ni Chinese President Xi Jinping sa isang college lecture, naglabas ang China Daily na pag-aari ng Publicity Department ng Chinese Communist Party ng video na may pagkarakista na naglalarawan sa isang unggoy na nakabarong na sumusunod sa utos ng Amerika at Japan bago binomba ng water cannon.

Naghain ng protesta ang DFA at inihayag ang isyu kay Chinese Foreign Minister Wang Yi ngunit sinabi lamang ng Beijing na hindi ito opisyal na pananaw ng gobyerno at walang inihandog na paumanhin.

Sa ilalim ng Vienna Convention on Diplomatic Relations na nilagdaan ng Pilipinas at China, maaaring ipaalam ng receiving state sa sending state anumang oras nang hindi kinakailangang ipaliwanag na persona non grata ang head of mission at obligadong bawiin ito.

Bagama’t sinabi ni Palace Press Officer Claire Castro na sa ngayon ay ayaw pa ng Pangulo na ideklarang persona non grata si Ambassador Jing, sinabi naman ng DFA na nananatili ang karapatan ng Pilipinas na magsagawa ng karagdagang diplomatikong aksyon kung kinakailangan.

Inihayag din sa resolusyon na kinikilala ng Senado ang primacy ng Pangulo sa pagpapatakbo ng foreign affairs ngunit nais nitong ipahayag ang pagtutol sa hindi diplomatikong asal ng isang dayuhang sugo.  Ernie Reyes

The post PBBM hinimok ni Hontiveros ideklarang persona non grata si Ambassador Jing first appeared on Remate Online.

]]>
https://remate.ph/pbbm-hinimok-ni-hontiveros-ideklarang-persona-non-grata-si-ambassador-jing/feed/ 0
Sa tanong ng pagli-live in nina Daniel at Kaila: Janice, ‘di kokontra! https://remate.ph/sa-tanong-ng-pagli-live-in-nina-daniel-at-kaila-janice-di-kokontra/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=sa-tanong-ng-pagli-live-in-nina-daniel-at-kaila-janice-di-kokontra https://remate.ph/sa-tanong-ng-pagli-live-in-nina-daniel-at-kaila-janice-di-kokontra/#respond Tue, 20 Oct 2026 10:54:32 +0000 https://remate.ph/?p=760627 Manila, Philippines – Hindi ikinaila ni Janice De Belen na hindi siya perpektong anak, asawa at magulang. Dumaan din siya noon sa mga challengees na nakagawa sng mga maling desisyon sa buhay. Katunayan, hindi naging madali para sa kanya ang itaguyod ang kanyang mga anak kina Aga Muhlach at John Estrada. Pagdating din sa pagpapalaki […]

The post Sa tanong ng pagli-live in nina Daniel at Kaila: Janice, ‘di kokontra! first appeared on Remate Online.

]]>
Manila, Philippines – Hindi ikinaila ni Janice De Belen na hindi siya perpektong anak, asawa at magulang.

Dumaan din siya noon sa mga challengees na nakagawa sng mga maling desisyon sa buhay.

Katunayan, hindi naging madali para sa kanya ang itaguyod ang kanyang mga anak kina Aga Muhlach at John Estrada.

Pagdating din sa pagpapalaki ng mga bata, marami rin siyang natutunan bilang magulang.

Ani Janice, masaya siya dahil kahit paano ay malalaki at independent na ang kanyang mga anak.

Sa kanyang pagbabalik-tanaw, nang tumuntong daw si Kaila Estrada sa edad na 30 ay hinayaan na niya itong bumukod.

Pumayag daw siya sa kundisyong bet nitong maging independent at hindi para makipag-live in.

Nang matanong naman ang beteranang aktres tungkol sa current estado ng relasyon ni Kaila sa boyfie nitong si Daniel Padilla, aniya, malaki raw ang tiwala niya sa kanyang anak.

Hindi rin daw niya ugaling makialam sa lovelife ng anak dahil naniniwala siyang intelihente si Kaila at makakapagdesisyon na sa kanyang sarili.

Dagdag pa niya, si Kaila raw ang tipong hindi tatagal sa isang relasyon kapag hindi na masaya.

Keber din daw siya kung mag-live in ang anak niya at si DJ.

Nang maurirat naman kung feeling niya ay endgame na ni Kaila si Daniel, sey niya, ayaw daw niyang magsalita nang tapos lalo pa’t maraming nangyayari sa showbiz na minsan ay hindi inaasahan.

Dumating din daw siya sa puntong hindi na siya naba-bother sa sasabihin ng mga tao.

After all, buhay daw at kaligayahan ng kanyang supling ang nakasasalalay kaya susuportahan na lang niya kung anuman ang ikasisiya nito.

Sa kaso rin ng kanyang mga anak, hindi rin daw siya magtatampo kung sakaling hindi siya imbitahan sa kasal ng mga ito na para sa kanya ay malabo namang mangyari.

Isa lang daw ang sigurado niya sa kanyang mga anak na babae, kapag daw nag-asawa na ang mga ito, nagkaroon ng pamilya o nagle-labor sa panganganak, hindi raw ang kanilang mga mister ang tatawagin ng mga ito kundi siya.

Sa kasalukuyang estado ng kanyang buhay, tanggap na raw niya na balang araw ay patungo na siya sa retirement at darating ang panahon ay ‘lola roles’ na ang matotoka sa kanya.

Kuntento na rin daw siya sa pagiging single at hindi na siya naghahanap ng magiging katuwang sa buhay.

Hindi naman sa hindi na siya nag-e-entertain ng mga manliligaw pero para sa kanya ay mas bet na lang niya ang simpleng pamumuhay na walang stress.

May panahon pa raw naman siya para sa sarili lalo na’t nakaka-bonding pa rin niya ang mga piling  kaibigan kahit namumuhay na siyang mag-isa. Archie Liao

The post Sa tanong ng pagli-live in nina Daniel at Kaila: Janice, ‘di kokontra! first appeared on Remate Online.

]]>
https://remate.ph/sa-tanong-ng-pagli-live-in-nina-daniel-at-kaila-janice-di-kokontra/feed/ 0
Valerie Tan, may request kay Kris Aquino! https://remate.ph/valerie-tan-may-request-kay-kris-aquino/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=valerie-tan-may-request-kay-kris-aquino https://remate.ph/valerie-tan-may-request-kay-kris-aquino/#respond Tue, 20 Oct 2026 10:53:59 +0000 https://remate.ph/?p=760626 Manila, Philippines – Inamin ng multi-awarded host na si Valerie Tan sa katatapos na media launch ng “I HEART PH” na tagahanga siya ng Queen of All Media na si Kris Aquino. Sa panayam, tinanong si Valerie kung sinong celebrity ang gusto niyang isama sa Hong Kong adventure trip at kung bakit. Ani Valerie, “Siguro […]

The post Valerie Tan, may request kay Kris Aquino! first appeared on Remate Online.

]]>
Manila, Philippines – Inamin ng multi-awarded host na si Valerie Tan sa katatapos na media launch ng “I HEART PH” na tagahanga siya ng Queen of All Media na si Kris Aquino.

Sa panayam, tinanong si Valerie kung sinong celebrity ang gusto niyang isama sa Hong Kong adventure trip at kung bakit.

Ani Valerie, “Siguro if I want to bring someone with me to Hong Kong, si Queen of Talk Kris Aquino.

“I’m such a huge fan of her. She’s so smart. She’s so witty. Feeling ko pag magkasama kami magiging magka-vibes kami. So I’ll bring her, I’ll tour her. And she’ll give me some trivia. So I would love to meet her.”

Well, in fairness, hindi lang beauty ang taglay ng mother dearest nina Joshua at Bimby Aquino na si Kris kundi brains din.

Anyway, magbabalik ang award-winning lifestyle at travel show na “I HEART PH” para sa panibagong season ng kasiyahan at pagtuklas ng mga bagong lugar, katuwang ang Hong Kong Tourism Board (HKTB).

Tampok sa programa ang Hong Kong bilang isang masiglang lungsod kung saan nagsasama ang mayamang kultura, pagkamalikhain at makabagong pamumuhay para sa isang hindi malilimutang karanasan.

Dadalhin ng “I HEART PH” ang mga manonood sa magagandang tanawin at natatanging pasyalan sa Hong Kong na tiyak na magbibigay-inspirasyon sa kanila na personal na tuklasin ang lungsod.

Ipinahayag ni Ms. Chian Jia Liew, Regional Director for Southeast Asia ng Hong Kong Tourism Board, ang kanyang kasiyahan sa muling pagbabalik ng I HEART PH sa tinaguriang Asia’s World City.

“Ikinagagalak naming muling makipagtulungan sa I HEART PH upang maipakita ang maraming karanasang matatagpuan lamang sa Hong Kong,” pahayag ni Ms. Liew.

Ayon pa sa kanya, tampok sa Hong Kong ang kakaibang pagsasanib ng kultura ng silangan at kanluran, tradisyon at inobasyon, pati na ang masiglang buhay sa lungsod at kahanga-hangang kalikasan.

Sa pamamagitan ng partnership, umaasa ang HKTB na mas mahihikayat ang mga Pilipinong manlalakbay na tuklasin ang mga bagong karanasan at mga natatagong hiyas ng Hong Kong.

Produced ng TV 8 Media Production, magbubukas na sa Season 11 ang “I HEART PH” sa Oktubre 25, Linggo, ganap na 11:30 ng umaga sa GTV. Camille Guarin

The post Valerie Tan, may request kay Kris Aquino! first appeared on Remate Online.

]]>
https://remate.ph/valerie-tan-may-request-kay-kris-aquino/feed/ 0
1 sa 2 suspek sa pagpatay sa Barangay chairman sa Batangas, arestado na https://remate.ph/1-sa-2-suspek-sa-pagpatay-sa-barangay-chairman-sa-batangas-arestado-na/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=1-sa-2-suspek-sa-pagpatay-sa-barangay-chairman-sa-batangas-arestado-na https://remate.ph/1-sa-2-suspek-sa-pagpatay-sa-barangay-chairman-sa-batangas-arestado-na/#respond Tue, 20 Oct 2026 10:49:56 +0000 https://remate.ph/?p=760617 BATANGAS, Philippines – Naaresto na ang isa sa dalawang suspek sa pagpatay kay Barangay Chairman Dennis Austria ng Barangay Sta. Anastacia, Sto. Tomas City, Batangas. Batay sa paunang impormasyon, ang naarestong suspek umano ang nagmaneho ng motorsiklong ginamit ng mga salarin sa pagtakas matapos ang krimen. Patuloy ang imbestigasyon upang matukoy ang buong pangyayari at […]

The post 1 sa 2 suspek sa pagpatay sa Barangay chairman sa Batangas, arestado na first appeared on Remate Online.

]]>
BATANGAS, Philippines – Naaresto na ang isa sa dalawang suspek sa pagpatay kay Barangay Chairman Dennis Austria ng Barangay Sta. Anastacia, Sto. Tomas City, Batangas.

Batay sa paunang impormasyon, ang naarestong suspek umano ang nagmaneho ng motorsiklong ginamit ng mga salarin sa pagtakas matapos ang krimen.

Patuloy ang imbestigasyon upang matukoy ang buong pangyayari at mahuli ang ikalawang suspek. RNT/MDS

The post 1 sa 2 suspek sa pagpatay sa Barangay chairman sa Batangas, arestado na first appeared on Remate Online.

]]>
https://remate.ph/1-sa-2-suspek-sa-pagpatay-sa-barangay-chairman-sa-batangas-arestado-na/feed/ 0