Home ENTERTAINMENT Awra, tinawag na ‘Bronny James’, pumalag!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Awra, tinawag na ‘Bronny James’, pumalag!March 3, 2025 08:00 FacebookTwitterPinterestWhatsAppTikTok Manila, Philippines- Hindi na itinago ni Avra Briguela ang kanyang pagkapikon sa mga komento kung saan tinawag siyang “Bronny James.”Si LeBron Raymone James Jr. ay NBA player ng Lakers at anak ng basketball superstar na si Lebron James.Natuklasan na ang basher niya’y kapwa Grade 9 o nasa senior high na schoolmate niya sa University of the East.Bagama’t humingi na ng paumanhin ang basher ay nakatikim ito ng “panlalait” mula kay Awra.Kung tutuusin, eye opener ang buwelta ng sikat na personalidad.Ayon sa kanyang social media post: “Not because I choose to ignore things doesn’t mean I don’t get hurt!”Dagdag niya, hangga’t maaari raw ay pinipilit niyang maging “kind” at “I take the high road.”Ngunit may mga tao raw na sadyang lumalampas ang asal.Hindi raw kukunsintihin ni Awra ang ginawang ‘yon ng basher dahil malinaw na pambu-bully raw ‘yon.At hindi raw manngingiming ireport ni Awra sa pamunuan ng pamantasan ang kasong ‘yon.“It is inappropriate and unbecoming of a Grade 9 student!” giit niya.Nito lang pasukan ay “nilibak” na ang pambabaeng school uniform ni Awra.Nakahanap naman ng kakampi si Awra sa mismong student council ng pinapasukang pamantasan.Bago rito’y nasangkot si Awra sa isang pisikal na engkuwentro sa isang tambayan. Ronnie Carrasco III