Home NATIONWIDE P25.6M ilegal na droga kumpiskado noong Pebrero

P25.6M ilegal na droga kumpiskado noong Pebrero

MANILA, Philippines- Nasabat ng Philippine National Police-Drug Enforcement Group (PDEG) ang P25.6 milyong halaga ng ilegal na droga noong Pebro ng taong ito.

Sinabi ni PDEG acting chief Col. Rolando Cuya nitong Sabado na kabilang sa nasamsam na narcotics ang 2.68 kg. ng shabu; 2 kg. ng dried marijuana; 30 milliliters ng marijuana oil, at 95 piraso ng ecstasy.

May kabuuang 35,002 piraso ng marijuana plants ang winasak sa parehong buwan, ayon kay Cuya.

Dagdag niya, nakapagsagawa ang PDEG operatives ng 58 intelligence-driven operations na nagresulta sa pagkakaaresto sa 68 drug personalities, kabilang ang 34 high-value targets, 19 street-level individuals, siyam na wanted persons, at anim na most wanted persons.

“The relentless dedication and professionalism exhibited by our group have significantly contributed to impeding the proliferation of illegal drugs and ensuring the safety and well-being of our citizens,” pahayag ni Cuya. RNT/SA