WASHINGTON- Sinabi ng US official nitong Huwebes na batay sa mga indikasyon, posibleng inatake ng Russian anti-aircraft system ang isang Azerbaijan Airlines plane na bumagsak sa Kazakhstan, na kumitil sa 38 indibidwal.
Kasunod ang komento ng US official, na hindi pinangalanan, ng media reports na naniniwala ang Azerbaijani na isang Russian surface-to-air missile ang dahilan ng pagbulusok ng isang passenger jet nitong Miyerkules na bumibiyahe mula Azeri capital Baku patungo sa Grozny sa Chechnya, southern Russia.
Inihayag ng opisyal na sakaling totoo nga ang mga indikasyon, bibigyang-diin nila ang inilalarawan ng US na Russian recklessness sa 2022 invasion ng Ukraine.
Tinarget ng Ukrainian drone strikes ang Chechnya nitong mga nakaraang linggo, at may naiulat na drone activity sa kalapit na Russian regions ng Ingushetia at North Ossetia bago ang pagbagsak ng eroplano.
Nauna nang nagbabala ng Kremlin nitong Huwebes laban sa “hypotheses” sa insidente. RNT/SA