Home ENTERTAINMENT Azi, may hanash sa mga nagpaparetoke!

Azi, may hanash sa mga nagpaparetoke!

Manila, Philippines- Si Azi Acosta ang tinanghal na Vivamax Queen noong nakaraming taon.

Siya kasi ang itinuturing na isa sa A list celebrities o pambato ng Vivamax.

Kumbaga sa box office, patok ang mga ginawa niyang mga pelikula sa nasabing online streaming platform.

Sa kasalukuyan naman ay marami ang mga baguhang nag-a-aspire sa kanyang posisyon.

Dumarami rin ang mga walang takot na maghubad.

Ang lamang lang ni Azi ay magaling siyang umarte bukod sa magaling magpa-sexy.

Sey ni Azi, di raw siya nai-insecure sa mga bagong sibol at mas batang nadidiskubre sa Vivamax.

“Hindi po ako nai-intimidate. Isa rin po ako sa mga naghubad din po na nabigyan ng opportunity, ” aniya.

“Para sa akin, may kanya-kanya po naman tayong time. Ako naman po, support lang po ako for others,” dugtong niya.

Sa pelikulang “Huwad” na idinirek ni Reynold Giba, ginagampanan ni Azi ang papel ni Romina, isang simpleng maybahay na sumangguni sa isang folk healer para humingi ng tulong para “gayumahin” ang kanyang babaerong mister.

Tatalakayin din sa pelikula ang mga kasinungaliang nag-aanyong katotohanan.

Hirit ni Azi, marami na raw siyang naengkuwentrong huwad na mga tao hindi lang sa showbiz.

Gayunpaman, naniniwala pa rin daw siyang marami pang mabubuting tao sa mundo.

Aware rin daw siyang maraming artista ang naeenganyong magparetoke o magpa-enhance ng itsura dahil bahagi ito ng kanilang puhunan.

Gayunpaman, ayaw daw niyang husgahan ang mga ito.

“Choice po nila iyon.Kumbaga, your body, your rules,” pakli niya.

Naniniwala pa rin daw siyang mas maganda ang pagiging natural.

“As much as possible, di ko ini-encourage iyong mga babae na magparetoke kasi mas maganda na mahalin natin kung ano iyong ibinigay sa atin,” pagtatapos niya.

Palabas na ang Huwad sa Vivamax, tampok din sa pelikula sina Aerol Carmelo , Chloe Jenna. May special participation din si Pola Mayor Ina Alegre. Archie Liao