Home METRO Babae patay sa live-in partner

Babae patay sa live-in partner

MANILA, Philippines – Isang babae ang pinatay ng kanyang live-in partner makaraang magkaroon ng mainitang pagtatalo sa Brgy. Biclatan, Gen. Trias City, Cavite.

Nakasubsob at wala nang buhay nang natagpuan ang biktima na si alyas Abby habang tumakas naman ang suspek at live-in partner nito na si alyas Vanessa.

Ayon sa report, bandang alas-10:00 ng gabi nang maganap ang insidente sa Block 49 Lot 8 Phase 2, Holiday Homes sa nasabing lugar kung saan naunang dumating ang biktima galing sa kanyang trabaho.

Lumalabas na magkaroon ng mainitang pagtatalo ang dalawa sa hindi malamang dahilan hanggang sa nagkaroon ng pisikal na sakitan.

Tinakpan ang CCTV bago pa man ang insidente, gayunman napakinggan naman ang matinding pagtatalo ng dalawa na hindi naman binanggit sa report hinggil sa kanilang pinagtalunan hanggang sa nagkaroon ng pisikal na pananakit.

Base sa backtracking footage ng Closed Circuit Television (CCTV) sa loob ng bahay, walang mapanood hinggil sa naganap na pangyayari maliban lamang sa pagtatalo ng dalawa.

Nagsasagawa ng manhunt operation ang pulisya sa tumakasna suspek matapos ang pagpatay. Margie Bautista