Home METRO Babae sugatan sa pamamaril sa Makati

Babae sugatan sa pamamaril sa Makati

1
0

Makati City, Philippines — Isang babae ang sugatan matapos pagbabarilin ng dalawang hindi pa nakikilalang lalaking sakay ng motorsiklo sa Chino Roces Avenue, Barangay Pio del Pilar, Makati City, nitong Huwebes ng umaga.

Ayon sa pulisya, dakong 6:50 a.m. nang lapitan ng mga suspek na sakay ng pulang motorsiklo ang minamanehong puting Nissan Terra ng biktima sa tapat ng Unibank at BDO, malapit sa Oriental Place. Ilang beses silang nagpaputok at tinamaan ang biktima sa binti at hita.

Isinugod ang babae sa Makati Medical Center para malapatan ng lunas. Ayon sa pulisya, nakasuot umano ng “Move It” attire ang mga suspek, ngunit hindi natukoy ang plaka ng kanilang motorsiklo.

Patuloy ang imbestigasyon at case buildup upang matukoy ang mga suspek at motibo sa pamamaril. Tinitingnan din ng mga awtoridad ang posibilidad na may kaugnayan sa trabaho ang insidente. RNT/MDS/larawan ni Eric Ocapan

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here