Home METRO Babae tumalon sa riles ng LRT1; operasyon sinuspinde

Babae tumalon sa riles ng LRT1; operasyon sinuspinde

MANILA, Philippines- Nagulat ang ilang pasahero ng Light Rail Transit 1 (LRT-1) dahil sa biglang pagtalon ng isang babae mula sa platform ng Doroteo Jose Station sa Sta. Cruz, Maynila.

Bunsod nito, natigil ang operasyon ng mga tren ng alas-12:42 ng hapon, ayon na rin sa kumpirmasyon ng pamunuan ng Light Rail Manila Corporation.

Base naman sa Facebook post na ini-upload ng isang netizen, bigla umanong tumalon ang pasaherong babae habang paparating ang tren sa bahagi ng southbound lane ng nasabing istasyon.

Dahil sa pagkabigla, nagkasigawan ang iba pang pasahero na naghihintay ng tren sa Doroteo station.

Maagap naman na nakapreno at napahinto ang driver ng tren kaya pumailalim lang ang babae. Ligtas naman ito at walang anumang malubhang pinsala na nangyari.

Magkakasa naman ng imbestigasyon ang pamunuan kaugnay sa nangyaring insidente. Jocelyn Tabangcura-Domenden