Home METRO Babaeng patay sa mag-asawang siningil sa utang

Babaeng patay sa mag-asawang siningil sa utang

167
0

MANILA, Philippines . Isang 42-anyos na babae sa Mauban, Quezon Province ang pinagsasaksak hanggang sa mapatay ng mag-asawang may utang sa kanya.

Sinabi ng pulisya na ang mag-asawa ay humiram ng pera dahil may lending business ang biktima, at ginawa ng mga suspek  ang kanilang bahay bilang collateral.

Kinilala ang biktimang si Michelle Pajarillo na pumunta sa bahay ng mag-asawa para maningil.

Ngunit sinabi ng pulisya na nagalit ang mga suspek sa biktima at sinaksak ito sa dibdib.

Nakatakas ang mga suspek, ngunit kalaunan ay sumuko sa mga awtoridad. Pareho silang kinasuhan ng murder. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here