MANILA, Philippines- Patay ang isang babaeng rider nang mabangga at magulungan pa ng dump truck, Martes ng umaga sa Roxas Boulevard sa harapang bahagi ng Palacio De Manila, Malate, Manila.
Kinilala ang biktima na si Angelica Mojica, 21-anyos, nakatira sa Purok 2 ng Barangay Asisan, Tagaytay City.
Nasa kustodiya naman ng MPD-Traffic Enforcement Unit ang suspek na si Sherwin Darl Q. Laaro, 27-anyos, mula Bubulang Malaki Sa Indefonso, Bulacan.
Sa imbestigasyon, kapwa binabaybay ng biktima sakay ng kanyang Honda Click motorcycle na my plakang D3 99SN at suspek habang minamaneho naman ang Howo dump truck (NAR 1414) ang southbound lane ng Roxas Boulevard partikular sa harap ng Palacio De Manila, Malate, Manila nang magbanggan ang dalawa alas-6 ng umaga.
Sa lakas ng pagkakabangga, bumagsak ang biktima at nagulungan pa ng dump truck dahilan para magtamo ng matinding pinsala sa ulo at agad na pagkamatay. Jocelyn Tabangcura-Domenden