Home ENTERTAINMENT Erik, nilaglag ni MC kay Jed!

Erik, nilaglag ni MC kay Jed!

Manila, Philippines – Laughing trip ang kumalat ng video na kuha sa naging show ni Vice Ganda sa US na pinag-uusapan ng netizens.

Sa nasabing event, nagbatuhan ng linyahan ang “It’s Showtime” host at ang kaibigan nitong stand up comedian.

Nagbiro si MC Muah tungkol sa crooner na si Erik Santos.

Sey ni MC: “Magandang gabi po sa inyong lahat. Nasa inyong harapan ang nagpatibok sa puso ni Erik Santos.”

Inurot naman siya ni Meme kung sino ang kanyang tinutukoy.

Iniisa-isa ni Vice ang mga personalidad na na-link kay Erik.

Binanggit ni Meme ang mga pangalan nina Angeline Quinto at Rufa Mae Quinto.

Pabirong sagot naman ni MC: “Jed Madela.”

Sa puntong ito, pinagtutulak ni Vice si MC dahil sa inis dito na umani naman ng tawanan sa audience.

Buwelta pa ni Vice kay MC: “”Bahala ka dito, no! Hindi kita sususportahan! Kakampink ako.”

Ito naman ang reaksyon ng netizens na nakapanood ng naturang video.

“OMGGGGGEEEEE!!!!!!!!!! Kaya pala may comment si ES last time sa TNT usap daw sila ni MC HAHAHAHAHAHAHA yun pala yun”

“Being outed is bad but being outed as in love with Jed Madela is much worse.”

“Jusko naman halos araw araw nila kasama sina Erik Santos at Jed Madela. For sure biro biro lang to. Kasi kung totoo yan di nila gagawen punchline.”

“Ang gaan lang talaga ng aura ni Erik haha.”

“In fairness nakakatawa. Di ako natatawa sa kanya sa showtime pero dito win.” Archie Liao