Home ENTERTAINMENT Baby Go, magbabalik sa publication!

Baby Go, magbabalik sa publication!

Manila, Philippines- Bukod sa pagbabalik sa paggawa ng pelikula ay ipinahayag din ng BG Films International matriarch na ibabalik na rin niya ang pagpa-publish ng kanyang Global at BG Showbiz Plus Magazine.

Kung matatandaan ay ini-launch na nung mga nakaraang taon ang Global magazine at nauna na rito ang BG Showbiz Plus magazine na under sa BG publication.

Sa kalagitnaan ng taong 2024 ay siniguro ng masipag na film producer na ilalabas na ang unang copies ng mga nasabing magazine sa merkado. Si Maridol Bismark pa rin amg mamumuno ng editorial staff ng nasabing magazine na sa ngayon ay tinatrabaho na ang magiging laman nito.

Hindi pa sinasabi ng BG boss kung sino ang magiging cover ng Global at BG Showbiz plus pero siniguro niya na ito ay pasabog.

Sa panahon ngayon ay nagsasara na ang mga print publication at bihira na lang ang nagbubukas ng bagong print magazine kaya marami ang sumasaludo kay Madam Baby dahil may ilang mga kasamahan sa media ang mabibigyan ng trabaho dahil dito.

May your tribe increase, Madam Baby. JP Ignacio

Previous article‘Zero-Backlog Policy’ ipinaalala sa mga piskal
Next articleBiyahe ni PBBM sa Germany, Czech Republic nagbunga ng $4B investments