Home NATIONWIDE ‘Zero-Backlog Policy’ ipinaalala sa mga piskal

‘Zero-Backlog Policy’ ipinaalala sa mga piskal

MANILA, Philippines- Ipinaalala ng Department of Justice sa mga bagong promote at appointed prosecutors na sikapin na madesisyunan at matapos na ang lahat ng nakabinbing mga kaso sa kagawaran.

Kasabay ang pahayag na ito ni Justice Sec. Crispin Remulla ng paglabas ng anunsyo ng promotion at appointment ng 122 prosecutors na itatalaga sa iba’t ibang tanggapan sa ilalim ng National Prosecution Service sa buong bansa.

Sinabi ng DOJ na ang promotion ng 68 prosecutors at appointment naman ng 54 ay napakahalaga sa panig ng NPS kaya kailangang magampanan nang wasto ang kanilang trabaho.

Kumpiyansa naman ang DOJ na dahil sa mga bagong talaga at promoted na prosecutors ay mas mapabibilis ang pagpapalabas ng mga resolusyon sa mga kaso para maibalik ang tiwala ng publiko sa criminal justice system o pag-usad ng hustisya. Teresa Tavares

Previous articleBI, CFO sanib-pwersa sa ‘real time, accurate data’ sa migration
Next articleBaby Go, magbabalik sa publication!