Home ENTERTAINMENT Baby Go, naawa sa therapist, nagtayo ng spa!

Baby Go, naawa sa therapist, nagtayo ng spa!

Manila, Philippines – Once again ay pinatunayan ng fiesty producer ng BG Films International na si Baby Go ang pagiging malambot ng kanyang puso.

FYI, humataw sa paggawa ng pelikula si Madam Baby para matulungan ang mga movie workers at artista na walang trabaho. Nu’ng panahon ng pandemic ay isa si Madam baby sa mga gumalaw para bigyan ng ayuda ang mga entertainment press.

Ngayon naman ay naantig ang kanyang puso sa isang massage therapist ng isang sikat na spa na ikinuwento sa kanya ang di magandang sinapit ng kanyang buhay.

Regular customer kasi si Go sa sikat na spa na ‘yun at ang naturang female therapist ang lagi niyang kinukuha.

Nagkaroon sila ng sort of friendship kaya maman nag-open up ang massage therapist sa kanyang sunod-sunod na problema.

Isa sa mga problemang ‘yun ay ang kailangan nang lisanin ng massage therapist ang spa na kanyang pinagtatrabahuan.

Dahil doon ay nag-decide si Madam Baby na tulungan ang therapist at presto, agad itong nagtayo ng sariling spa, ang Thai Relax, sa Pasig City.

Sa spa na ito ay head therapist na ang kanyang tinulungan na abot-abot ang pasasalamat kay Madam.

Sa ngayon ay nag-soft opening na ang Thai Telax at nakatakda nang magkaroon ng grabd opening kung saan karamihan sa mga naging artista ng BG films ay nangakong pupunta.

Congrats sa new business, Madam Baby. JP Ignacio