Home ENTERTAINMENT Baby Hailee, ayaw dumede sa nipple ni Kris!

Baby Hailee, ayaw dumede sa nipple ni Kris!

Manila, Philippines – There goes Kris Bernal again.

Kung noon ay problemado siya dahil nahawahan niya ang baby nila ni Perry Choi, ngayon ay may panibago na naman siyang pasanin sa buhay!

Ayaw kasing dumede sa kanya si Hailee Lucca.

As usual, Kris has resorted to social media para ibahagi ang makadurog-pusong kalagayan.

Post ng aktres: “My baby is having nipple confusion. I don’t know how it happened. She’s having difficulty latching on to my breasts!”

Patuloy pang emote niya sa kanyang Instagram story: “Ang sakit-sakit! I cry everytime she refuses!”

At sa sumunod pang emote niya, du’n na pumasok ang self-misgivings ni Kris kung siya raw ba’y worthy as a mother.

Pahabol niyang post: “What did I do wrong? Huhuhu…Ang dami ko nang doubts sa sarili ko kung naging mabuti ba akong ina o hindi!”

Humingi si Kris ng saklolo mula sa mga netizens sa pamamagitan ng “send help” as provided for in a box.

Sa mga netizens din kasi lumapit si Kris nang magkaroon ng cough and colds ang anak na nahawa sa kanya.

A netizen suggested na gamitan ng nose sucker si Baby Hailee since she couldn’t yet blow her nose.

Gumaan naman daw ang pakiramdam ng baby nang mapawi na ang congestion.

For sure, by now ay may mga naituro na ang mga concerned netizens kung paano padedehin ang baby ni Kris, na sa tanggapin man niya o hindi ay nagiging OA na! Ronnie Carrasco III

Previous articleMaja, buntis na!
Next articleSharon, may pakiusap, ayaw ng Xmas gift!