Home ENTERTAINMENT Sharon, may pakiusap, ayaw ng Xmas gift!

Sharon, may pakiusap, ayaw ng Xmas gift!

Manila, Philippines – Hindi sa walang sense of appreciation si Sharon Cuneta, pero nagbilin na siya sa kanyang mga kaibigan: huwag nang mag-abala pang regaluhan siya ngayong darating na Pasko at saka sa kanyang kaarawan.

The Megastar will turn a year older and wiser on January 6.

Before that, being Christmas ay may wish nga siya which she posted on social media.

Ani Sharon, sa pagiging blessed niya for having so much stuff ay huwag na raw siyang bilhan ng anumang bagay in the coming holidays.

Hindi man aminin ng singer-actress, she’s actually a giver more than a taker.

She delights in the fact na nakakapagbigay siya sa halip na tumanggap ng anumang materyal na bagay.

Hindi alintana ni Sharon na this early ay may naghahanda nang regaluhan siya.

Pero mas maa-appreciate daw ni Sharon ang pagbibigay kung magdo-donate na lang ang kanyang mga kaibigan sa Pawssion Project.

Hindi lingid sa kaalaman na isang dog lover si Sharon.

She admits to having developed attachment to any and all breeds of dogs.

Matatandaang habang nagsu-shoot noon ng pelikulang Revirginized, Sharon caught sight of a stray dog.

Bukod sa payat na ang aso’y puro sugat pa ang mga ito.

Agad dinala ng aktres ang aso sa vet which she named after the character of her leading man Marco Gumabao.

Naiuwi lang niya ang bagong alaga nang gumaling na ito.

Just recently din, nagluluksa si Sharon dahil aniya her pet dog Bea crossed the rainbow bridge.

So, gaano man ang halaga ng ido-donate sa Pawssion Project ay para na ring niregaluhan ng kanyang mga kaibigan si Sharon. Ronnie Carrasco III

Previous articleBaby Hailee, ayaw dumede sa nipple ni Kris!
Next articleBelo, bet si Pia, di feel si Heart?