Home NATIONWIDE Badyet ng DA sa 2025 dodoblehin

Badyet ng DA sa 2025 dodoblehin

MANILA, Philippines – Nais ng Department of Agriculture na taasan ang badyet nito para sa 2025 ng mahigit sa doble ng alokasyon ngayong taon.

Ito ay upang mapondohan umano ang mga proyekto na layong pagbutihin ang produksyon at bawasan ang post-harvest losses.

Sinabi ni DA spokesperson Assistant Secretary Arnel de Mesa na kabilang sa spending priorities ng ahensya sa susunod na tao ay ang pagpapalawak at pagpapabuti ng irrigation systems, post-harvest facilities, cold storage facilities at logistics.

“Prayoridad ngayon ‘yung expansion and improvement ng ating production areas. Tututok ang ating kagawaran sa improvement ng malalaking irrigation projects. Kasi alam natin ‘yung ating agriculture, naka-anchor ‘yan doon sa availability ng tubig,” paliwanag ni De Mesa.

“We will also be focusing on modernization ng agriculture. We will also be focusing on the improvement ng ating post harvest, and mabawasan ‘yung ating post harvest losses. Papasok din tayo doon sa improvement ng ating logistics, focusing on improvement and expansion ng mga bagong ports and piers, ‘yung ating cold storages. Very important din ‘yung digitalization, at ‘yung pag-balanse ng developmental and regulatory functions ng Department of Agriculture,” dagdag ng opisyal.

“So ang proposal natin ay doble ng budget from P170b to at least P250 billion next year.” RNT/JGC