Home METRO Most wanted ng DILG na may P135K patong sa ulo, nadakma sa...

Most wanted ng DILG na may P135K patong sa ulo, nadakma sa Bulacan

Bulacan – Arestado ang magsasakang napabilang sa DILG National Most Wanted na may P135,000 monetary reward nang silbihan ng warrant of arrest ng mga awtoridad sa bayan ng Angat.

Kinilala ang wanted na si Freddie Arrizobal alyas Dodong, 39, tubong Masbate at kasalukuyang naninirahan sa Brgy. Laog, Angat.

Sa report kay Bulacan Police director Relly Arnedo, isinilbi ang warrant ng tracker team ng PNP Intelligence Group-Foreign and Intelligence Liason Division katuwang ang Angat police station, PIU Bulacan, 2nd Provincial Mobile Force Company Bulacan, PIT RUI5, Palanas MPS Masbate PPO at Palanan Sub-Station Makati CPS bandang 9:30 ng gabi nitong Abril 18 sa Brgy. Laog.

Ang warrant sa kasong murder na walang inirekomendang piyansa ay inisyu ng Regional Trial Court, Fifth Judicial Region, Branch 45, Masbate City noong Abril 17, 2023.

Kasalukuyang himas-rehas na ang wanted sa naturang istasyon para sa proper disposition at documentation. Dick Mirasol III