Home METRO P3.4M hinihinalang shabu nasabat sa Cotabato City

P3.4M hinihinalang shabu nasabat sa Cotabato City

MANILA, Philippines – Nasamsam ng pulisya ang hinihinalang shabu na aabot sa P3.4 milyon ang halaga sa isinagawang operasyon sa Almonte Street, Poblacion 2, Cotabato City.

Isa sa mga naaresto ay kinilala sa alyas na “Sampulna.” Sakop ng kanyang mga aktibidad na may kaugnayan sa illegal na droga ay ang mga kalapit na probinsya kabilang ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), Cotabato City, at Davao City.

Si Sampulna ay nakulong na noong 2013 dahil sa drug-related offense sa Makilala, North Cotabato.

Nakuha mula sa kanya ang nasa 13 sachet ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng nasa 500 gramo, sling bag, apat na cellphone at samu’t saring drug paraphernalia.

Kasabay ng operasyon, nasagip naman ang dalawang menor de edad at itinurn-over sa Ministry of Social Services and Development MSSD-BARMM para sa kustodiya.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. RNT/JGC