MANILA, Philippines – Kinumpirma ni Bicol Saro Partylist Rep. Terry Ridon na pinayagan ng Manila Regional Trial Court na dumalo sa impeachment hearing sa Abril 14 si Ramil Madriaga, ang aminadong bagman ni Vice President Sara Duterte.
Ayon kay Ridon pinayagan ng korte si Madriaga na dumalo sa pagdinig mula alas 8:00 ng umaga hanggang ala 5:00 ng hapon.
“Accused Ramil Madriaga y Lagonoy is hereby allowed to appear before the Committee on Justice on April 14, 2026 from 8:00 a.m. to 5:00 p.m. with proper jail escorts. The Jail Warden of MMDJ Annex 2 is directed to make a report within five (5) days from compliance therewith,” nakasad sa order ng korte.
Una nang lumiham ang House Committee on Justice kay Manila RTC Branch 21 Presiding Judge Alma Crispina Collado-Lacorte na payagan na dumalo si Madriaga sa impeachment hearing, sinabi nito na mahalaga ang presensya ni Madriaga sa gagawing hearing dahil tinuturing ito na key witness sa impeachment case.
Sa kanyang affidavit noong November 29, 2025 ay idinetalye ni Madriaga ang pagdeliver ng P33 million hanggang P35 million na nakalagay sa apat na duffel bags, ang nasabing pondo ay para umano sa mga kaibigan ni Duterte, kung saan ang isa umano ay idineliver sa Office of the Ombudsman. Gail Mendoza