Home IN PHOTOS Bagong ambulansya, garbage trucks sa Navotas binasbasan

Bagong ambulansya, garbage trucks sa Navotas binasbasan

Larawan kuha ni Jojo Rabulan

MANILA, Philippines- Pinangunahan ni Mayor John Rey Tiangco ang pagbabasbas sa isang bagong Type 1 ambulance para sa City Health Office at limang bagong garbage trucks para sa City Environment and Natural Resources Office.

Ani Mayor Tiangco, malaking tulong ang ambulansya mula sa DOH–Metro Manila Center for Health Development para sa mas mabilis na emergency response at mas pinalakas na serbisyong pangkalusugan.

Samantala, ang mga garbage truck naman ay magpapabilis sa pangongolekta ng mga basura sa lungsod—isang hakbang tungo sa mas malinis, ligtas, at malusog na Navotas. Paalala ni Tiangco na maging disiplinado sa pagtatapon ng basura, mag-segregate, sundin ang tamang schedule ng koleksyon at sama-samang
pangalagaan ang kalikasan at kalusugan. Jojo Rabulan