Home HOME BANNER STORY Bagong bagyo papasok sa Pinas sa Huwebes – PAGASA

Bagong bagyo papasok sa Pinas sa Huwebes – PAGASA

3
0

MANILA, Philippines – Papasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) sa Huwebes ang Tropical Storm Higos at bibigyan ng lokal na pangalang Gardo, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Bandang alas-10 ng umaga nitong Miyerkules, namataan ang Higos sa layong 2,120 kilometro silangan ng Central Luzon habang kumikilos pa-kanluran-hilagang-kanluran sa bilis na 20 kilometro kada oras (kph). Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 65 kph malapit sa gitna at pagbugsong hanggang 80 kph.

Ayon sa PAGASA, mananatiling malayo sa kalupaan ang Higos at hindi inaasahang direktang makaaapekto sa lagay ng panahon at karagatan sa bansa, bagamat posible pa itong lumakas at maging severe tropical storm.

Samantala, patuloy na humihina ang Typhoon Francisco habang kumikilos pahilaga. Huling namataan ito 295 kilometro silangan-hilagang-silangan ng Basco, Batanes, taglay ang lakas ng hanging aabot sa 140 kph at pagbugsong hanggang 170 kph.

Nananatiling nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 sa Batanes at hilagang-silangang bahagi ng Cagayan kabilang ang Gonzaga, Santa Ana at Babuyan Islands.

Ayon sa PAGASA, ang epekto ng Typhoon Francisco at ng pinalakas na habagat ay nagdudulot ng malalakas hanggang napakalalakas na bugso ng hangin sa malaking bahagi ng Luzon, Visayas at ilang lugar sa Mindanao.

Inaasahan naman ang malalakas na pag-ulan sa Batanes at Cagayan dahil sa bagyo, habang makararanas ng malakas na ulan ang Zambales, Bataan, Occidental Mindoro, Palawan at Antique dahil sa habagat.

Nananatili rin ang gale warning sa hilaga at silangang baybayin ng Northern Luzon. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here